Kabanata 11

29 0 0
                                    

Kabanata 11

Just maybe

Napatingin ako kay Jo sa sinabi niya. I don't know what to say. Wala naman atang tamang salita ang makakapagpagaan ng nararamdaman niya ngayon.

"Don't look at me like that. Hindi naman ako namatay. Puso ko lang. But look. I'm still breathing. Madami pang chance para mabuhay muli."

Nakangiti siya habang sinasabi ang mga iyon. How? How could he be like that? Kahit hindi umaabot ang mga ngiti niya sa kaniyang mga mata ay nakakahanga pa din siya. 'Coz he's trying. He's facing it.

"I dunno what to say." Tanging sambit ko.

"Don't mind me. Alam kong may pinagdadaanan ka din. Kaya ka nga nandito hindi ba.  Para mag-enjoy at makalimot."

Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at nagbabadyang mag wake board.

"C'mon. Magmumukmok ka na lang ba diyan. Let's go. Have fun!" Sigaw niya bago siya sumalang.

Tumayo na rin ako at naghahantay ng turn ko. Nakailang ikot siguro ako bago tumigil. Nakakangalay at nakakapagod e. Panay ikot lang ako kasi hindi naman ako bihasa dito na mag exhibition pa. Ang hirap kaya. Naitry ko ng minsan kaso nalaglag ako. Tawang tawa ako sa sarili ko pagkatapos.

Ibinalik ko muna ang mga ginamit ko pati na rin ang bracelet bilang tanda ng admission ko rito. Nagbanlaw na ako after kasi medyo mahapdi na ang balat ko. Hindi naman ganoon katindi ang sikat ng araw, kaso kanina pa ako nakabilad sa arawan kaya siguro humahapdi na ang balat ko. Matapos magbanlaw ay dumiretso ako sa restobar ng Wakepark. Wala pa naman akong planong umuwi.

Umorder lang ako ng shake pampalipas ng oras. Pag mag-isa ka talaga napapaisip ka na  lang sa mga nangyayari sa buhay mo. Nasasaktan pa din ako hanggang ngayon at gulong gulo sa mga nangyayari. Come to think of it, kung totoo nga na hindi siya gay. Oh my!

"Bestie dito muna ako matutulog ngayon ha." Sabi ko sa kaniya habang hinuhubad ang damit ko.

"Hoy babae! Doon ka nga sa kwarto magbihis." Singhal niya.

"What? Pareho naman tayong girl 'di ba." Sagot ko habang papalapit sa kaniya.

Naka-bra na lang ako ngayon habang kinakausap siya.

"Kahit na. Diyan ka na nga." Giit niya saka umalis bigla.

Tawa ako ng tawa after noon e. Pero kaya pala. Kaya pala hindi siya makatingin sa akin parati ng diretso. Hay. Nakakainis. Bakit ba hindi ko napansin. Pero kasi. Gay na gay kaya siya. Crush pa nga niya si kuya diba.

"Hill, balita ko umuwi na kuya mo ah."

Halata ang excitement sa mga mata niya.

"So?" Taas kilay kong tanong.

"Tambay tayo sa inyo mamaya." Masaya niyang sambit.

"Ayoko. Sungit kaya no'n." Nakasimangot kong sinabi.

"Damot. Ang bait kaya ng kuya mo."

Every time na pinag-uusapan namin si kuya before lagi siyang nakangiti at excited. Tapos ngayon sasabihin niya na he just pretended to be a gay. So paano ko siya papaniwalaaan kung puro kasinungalingan lang pala ang ipinakita niya since from the start. Tch.

"Excuse me. Pwedeng makiupo?"

Napatingin lang ako sa lalaking nagsalita.

"If it's not okay..."

Lips Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon