Kabanata 2Cousin
"So you're back."
"And you are?" Tanong ko habang papalapit sa kaniya.
Alam ko kung sino siya, lolokohin ko ang sarili ko kapag sinabi kong hindi. Pero kailangan magmuka akong okay, magmuka akong nakalimot na.
He suddenly smirks before he talks.
Oh that sexy smirk.
"So you don't know me huh?" Aniya nang pabulong sa aking tainga.
Halos kilabutan ako sa ginawa niya at tila lulubog ako sa kinatatayuan ko sa sobrang panlalambot ng tuhod ko, simpleng bulong ay nauubos lahat ng tapang at lakas ko.
"I won't ask if I know." Tapang-tapangan kong sagot.
Gusto ko na talagang umalis sa bar na ito o kaya lumubog na lang sa pwestong kinatatayuan ko.
Napansin kong magsasalita sana siya pero hindi ko namalayan ang mga sumunod niyang ginawa. Bigla niyang hinapit ang aking bewang papalapit sa kaniya saka ako hinalikan.
I want to protest pero tinraydor ako ng sarili ko. My lips responded to his kisses. This feeling is not foreign to me; I miss this feeling, the shivers, the butterflies, and the sweet and bitter taste of love.
Bago pa ako tuluyang malunod sa nakakalasing niyang mga halik ay itinulak ko na siya saka umalis sa bar.
That was one week ago. Akala ko noong una ay nag-hahallucinate lang ako sa sobrang pagkalasing. Pero he was real, I just don't know if he's a real man now or just having his mask. Is it possible na iyong sobrang straight na bakla ay maging sobrang hot, sobrang gwapo at totoong lalaki?
"Hill, don't move. Ang likot mo naman kakalat ang liquid eye liner na inilalagay ko sa'yo." Aniya sabay hawi ng invisible long hair niya.
We've been best buds since first year college. Crush ko siya noong first day kasi hindi ko naman alam na bakla pala siya. Siya kasi 'yung sa unang tingin di mo mapagkakamalang bakla. Hindi rin siya magaslaw gaya ng iba siguro kasi patago ang pagiging malambot niya.
"Perfect!" Masaya niyang sambit.
"Galingan mo ha. Go gurl!" Dagdag pa niya.
Second year college na kami at kasali ako ngayon sa isang pageant sa univ. Since naging magbest friend kami ay siya na ang naging manager ko sa mga ganito. Siya rin ang nag-aayos sa akin, pati na rin sa mga gagamitin ko. But still hindi pa rin alam ng parents niya na isa rin siyang dalagang Pilipina.
"Congrats! I knew it. Let's celebrate." Magiliw niya akong yinakap.
I suddenly froze.
"Tara! Sa inyo tayo! Ipagluto mo ako." Aya ko sa kaniya para hindi niya mahalata na natigilan ako sa ginawa niyang pagyakap.
Nang maging bestfriend kami ay lagi na akong tumatambay dito sa kanila. Lagi rin naman kasing wala ang parents niya, busy sa negosyo. Never ko pang na-meet ang parents niya pero I already met his two older sisters. His siblings know na malamya siya pero every time na makikita nila ako ay lagi nilang sinasabi na bagay daw kami. Medyo kinikilig ako kapag inaasar nila kaming dalawa. I don't know, aware naman akong di kami talo pero I still like him. Masiyadong maalaga, mabait, sweet, gentleman at sobrang gwapo kahit di siya purong lalaki. I hate to feel this way pero pinapabayaan ko na lang kasi alam ko namang I just like him, no more no less.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
General FictionThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.