Uno

24.1K 416 49
                                    

UNO

"Subukan niyo lang mag-april fools joke dito, hindi na kayo makakalabas ng buhay." Pagbabasa ni ate Esmie sa papel na sinulatan ko.

Natawa naman si papa sa narinig at ginulo ang buhok ko, "Anak, 'wag mong pakasungit ha? Baka maging matandang dalaga ka na talaga."

Kumunot ang noo ko sabay yuko para itali ang mga rubber shoes ko.

"Pa naman, 'kaw lang yung tatay na gustong magka-boyfriend ang anak," reklamo ko sabay hawak sa mga tali.

Nakita kong lumuhod si papa sa harapan ko at kinuha ang mga tali mula sa mga kamay ko.

"Oo, siguro dati ilalabas ko pa yung baril 'pag may lalakeng dumating," sabay buhol niya ng tali at lumipat siya sa isang sapatos. "Pero kailangan din kitang pakawalan sa taong kayang itali ang mga sintas ng sapatos mo," dagdag niya pa.

Napahalakhak si ate sa sinabi ni papa, "Ang tanda na, 'di pa rin kayang itali nang maayos yung sintas."

Sa totoo lang, kaya ko naman. Kaya kong ipagbuhol-buhol o kaya ipasok ang mga tali sa loob ng sapatos pero 'di ko kayang itali na pa-ribbon.

Sinubukan ko nang magpractice noon pero lagi akong natatambakan ng mga mas importanteng bagay na kailangan gawin.

Katayo ko ay napatingin ako sa pahabang salamin sa may gilid ko. Nakatali ang buhok ko na parang bun at hindi na ako naglagay ng make up dahil sayang lang sa oras. Nakaputi akong t-shirt na pinares ko sa jeans at rubber shoes ko.

Isa pa, sino naman kasi ang magkakainteres sa babaeng tulad ko, 'di ba? Hindi naman sa ibinababa ko ang sarili ko pero sa dami ng babae sa mundo, medyo nasa hulihan na ako ng listahan sa mga pwedeng magka-lovelife.

"Hala ge, bala kayo... Aalis na ako," patampo kong pagpapaalam habang kinukuha ko ang bag ko mula sa mesa.

Mukhang may mga naiwan at naipit na tinidor sa ilalim kaya biglang may nahulog.

"Ayun! May nahulog na tinidor!" Nagpapalakpak pa si ate na para bang sobrang importante ng pangyayareng iyon. "May darating ng lalake sa buhay niya, Pa," dagdag neto na kinanlaki ng mga mata ko.

"'Niwala ka don," bulong ko at umirap sa kanya, "Ge bye."

Hindi naman sila naapektuhan sa pagdadrama ko at sabay lang nila akong niyakap bago ako umalis. Iyon kasi ang usapan kahit noong nandito pa si mama, laging yayakap bago umalis ang isa sa amin.

Kalabas ko, agad kong natanaw yung mga jeep. Malapit lang naman ang sakayan sa amin kaya agad din akong nakasakay sa isa na papuno na. Dahil medyo nahuli ako, ako ang napunta sa konduktor na pwesto.

"Puro pera nanaman ang makakaholding hands ko neto," mahina kong sambit.

Paandar na ang jeep nang biglang nagsalita ang babaeng nasa gilid ko sa bandang kaliwa.

"Ganda, paabot naman," sabi niya habang inaabot ang bayad.

May isang babae na kukuha sana ng bayad nang unahan ko siya. Mukhang nagulat siya kaya ngumiti ako sa kanya bago inabot sa driver yung pera.

"Ay, 'di mo narinig? Ganda raw sabi eh," paliwanag ko.

Narinig naman ito ng mga malapit sa amin kaya natawa sila sa sinabi ko. Naintindihan naman ni ate dahil natawa na rin siya at napa-"Ay! Hindi ko kasi masyadong narinig."

Ang sabi ko na lang ay 'wag na lang siya magkamali ulit at dapat attentive sa mga ganung bagay.

Ang itinugon naman sa akin ay tawa at ngiti. Ayos naman, buti na lang hindi pikon si ate.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon