TRECE
Hila-hila niya ako palapit sa isang park na malapit sa amin kanina. Malayo pa lang ay natatanaw ko na yung mga bikes na nakapalibot, mga taong namamasyal at mga batang naghahabulan.
Ngayon naman ay naglalakad na kami patungo sa mga grupo ng mga bikes na pwedeng rentahan.
"Bawi ka sa akin. Sakay tayo ng bike!" Excited na sambit ni Josef sa akin.
Nahugot ko ang hininga ko. Oh no. No... Hindi ako marunong. Pero hindi niya pwedeng malaman.
"Sandali," I stopped him. "Uh. Matagal na kasi nung last akong nagbike." Pagsisinungaling ko tapos binaling na lang ang tingin sa mga bike.
Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko siyang tumango at ngumiti. Magtatapat na sana ako ng katotohanan dahil hindi yata siya magpapapigil nang kumaway siya sa taong nasa likuran ko.
"Russel! Bro!" Tapos lumapit siya sa kanya.
Umikot naman ang katawan ko para batiin si Russel. Siya yung pinsan ni Josef nun sa game at sobrang sure ako na star player siya sa school nila. Sa dami ba naman ng mga fans niya. Ngayon ko lang natitigan nang maayos ang mukha niya. At oo nga naman, kagwapo talagang nilalang.
"Kuya Sef... And ah," then he nodded na para bang may nagets siya, "Emaculada, right? Should I call you Ate Dada?"
You can call me yours... Chos. Kebata-bata pa, marami pa 'tong pagdaraanan.
"Sure," I plainly agreed.
He smirked pero agad din itong nawala.
"Michael's on the way," sambit niya kay Josef.
Tumingin ako kay Josef na nakatingin lang kay Russel. "Laging late yun, sanay na ako. Nasaan babae mo?"
Babae niya?
"Don't have one... yet," aniya. Tapos sumipol siya nang may mga nakitang babaeng dumaraan. "Be right back," dagdag pa niya at umalis na.
Luh. Lam na. He's definitely not a potential heartbreaker. Marami ng puso ang nawasak nun, for sure.
"Ate Dada?!" Someone called.
Hinanap ko yung babaeng tumawag sa akin at nakita kong patakbo itong papalapit sa akin.
"Kiella," I called back.
Narinig kong tumawa si Josef. "Mahirap pala yata talagang maging peymus."
Nang makalapit na si Kiella sa akin, hinihingal-hingal pa siya. Nakahawak pa siya sa mga tuhod niya nang tumigil siya na parang nagrerecharge siya ng lakas.
I took her all in. Yung damit niyang kulay black na para bang hindi siya naiinitan sa nangyayare sa paligid. She turned out pretty cool. Her hair was very long at kahit pinakulay niya ito ng dark red, bagay niya.
Like a rebel. Pretty rebel.
Nagtaka ako bat ngayon ko lang napansin yung kulay ng buhok niya since it stands out pero siguro dahil naka-ponytail siya kahapon habang ngayon, nakalugay lang.
"A...Ano... Wooh! Wait!" Sigaw niya tapos itinaas pa yung isang kamay na nakapatong kanina sa tuhod niya.
Okay, um, sure. Take your time.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Josef.
Ilang segundo katapos nun, tinignan niya si Josef at tumango. "Okay lang po. Napagod lang. Hirap maghabol, grabe!"
Nagtawanan naman silang dalawa at kulang na lang ay mag-apir na sa sobrang saya. I knew it. Magkakasundo ang mga baliw.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Failed-ibig ✔
RomanceIn a world where love is something we seek to believe in, will we also get this chance in a lifetime or are we just doomed to fail in love?