Siete

6.9K 225 9
                                    

SIETE

"Oh. Himala! Kumakain ka pa pala." Komento ni Josef habang binubuksan ko yung baon kong nasa lunch box.

Bigay lang ito sa amin nung kaibigan ni Gail. Tira raw nila sa ihawan nila kaya 'di na ako nakatanggi kasi pinagpilitan nilang masarap daw. O ano namang laban ko if yung pagkain na mismo ang nang-akit sa akin?

Binuksan ko yung nakabalot ng aluminum foil at sa panlabas pa lang, halatang isda ito.

"Pahingi!" He shouted.

Tinignan ko lang siya nang masama tas tumigil sa pag-aalis ng balot.

"Oh, sa'yo na." Pamimigay ko ng isda.

Tinawanan lang ako ng halimaw na ito at umiling na para bang sinasabi niya na ako pa ang dapat magbukas. Dahil gutom na rin naman ako, binuksan ko na ito nang tuluyan at nilapag ko iyon sa mesa.

Nagulat ako nang sumigaw siya. Hindi ito tipikal na sigaw na parang normal na niyang ginagawa kundi sigaw na parang nalaman niyang namatay yung paborito niyang alaga.

"Ano yan!"

Kumunot ang noo ko. Gusto ko sana siyang sagutin ng pabalang o panunuya kaso gutom na talaga ako.

"Isda," simpleng sagot ko.

Binuksan ko yung rice na nakaplastic at nilagay sa plato. Naghugas na rin naman ako ng kamay kanina kaya hindi na ako tumayo pa para kumuha ng kutsaramt tinidor. Para iwas na rin sa tinik.

Nagsimula na akong kumain at nang makatatlo akong subo, nahalata kong nakatulala lang si Josef.

Ano nanamang ganap nito?

"Gusto mo?" Labas sa ilong kong tanong. 'Di ko rin naman kasi alam if anong gagawin ko kung gusto niya. Ano? Susubuan ko?

Umiling lang siya tapos nagpatuloy sa pagkain ng fries na binili niya pa bago pumunta rito. Siya rin ang dahilan bat ako kakain dito kahit nakakain na ako ng pananghalian.

Inggitin ba naman ako? At dahil may pride ako, humindi ako nang wagas.

"Nalulunok mo yan?" Mukhang hindi niya napansin yung tanong ko pero ang nakakapagtaka lang ay parang natatakot siya sa nakikita niya.

May takot ba ito sa isda? O kaya baka ayaw niya talaga? Anti-Isda ganon?

"Anong gagawin ko? Ngunguyain tas iluluwa?" Pamimilosopa ko.

Pero parang hindi man lang niya narinig iyon dahil umiling lang siya tapos tumingin na sa kawalan habang patuloy na pinapasok sa bibig niya ang fries. Mukha ngang hindi na niya nginunguya ito, agad lunok.

Nang mukhang hindi na kaya ng lalamunan niya ang paglunok niya bigla, nabilaukan na ito.

Sasabihin ko sanang buti nga sa kanya kaso mukhang mamamatay na siya kaya kinuha ko yung nakabukas kong mineral water at inabot sa kanya.

"Ini--" 'Di niya agad natapos dahil inubo siya tapos tinakpan muna niya ang bibig bago magsalita, "Ini...Ininom yan?"

Nagkibit ako ng mga balikat. "Kung gusto mong nguyain, why not."

"B-Bigay ka muna... Num-Number!" Kahit namamatay na ay nakuha pa nitong magrequest ng number. Wala na talaga. Hopeless na ito.

Tumingin ako sa paligid at naghanap ng number. "16," basa ko doon sa unang number na nahagip ng mga mata ko.

Nakuha na nito ang gusto niya kaya uminom na siya. Mukhang hindi naman niya nginuya tulad ng sabi ko. Siguro pinanindigan na niya ang 'di paggamit sa mga ngipin niya.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon