Veintidos

4.9K 178 7
                                    

VEINTIDOS

The next day, kakatapos ko lang sa trabaho ko at dumaan sa hospital. The spirit moved me to visit someone. Matagal na nung huli akong nakabisita kaya sa tingin ko ay ngayon na yung tamang oras.

Ngayon, naglalakad na ako papasok sa elevator nang biglang may kamay na umipit sa may mga pinto kaya bumukas ito ulit.

Nakatutok lang ang tingin ko sa phone ko dahil may nagtext.

Josef:
May kahawig kang nakita ko kanina 🐣🐥🐤

At may isa pang katuloy.

Josef:
May tinatago ka rin sakin! 🌝🌚🌞

Tinatago? Ako? Wow, parang sobrang close namin ah. At anong meron sa mga emoji niya? Wala namang connect. Napakasabog talaga ng lalaking ito.

Then I typed a reply.

Dada:
What r u talking about?

"Para sa'yo. Ako'y... hmm... pang muli," sang and hummed by the guy who is beside me.

Tinignan ko siya at nakitang may headphones siyang suot. Hawak-hawak niya rin ang phone niya. Mayroon din itong shades at kupya kaya hindi ko makita ang kahit anong parte sa mukha niya. Sa pananaw ko, para siyang sasayaw o kaya sasali sa boyband.

"Dahil sa'yo! Ako'y... hmm... muli," tuloy niya na wala sa tono at parang sinasabayan nito yung pinapakinggan niya. Madalas ay yung hum niya lang ang naririnig ko pero mukhang walang alam ang tao sa tabi ko sa nangyayare.

If tama ako ng naalala, narinig ko na ito dati. Inisip ko nang mabuti at naalalang sa store ko na ito narinig. Doon sa album ni Josef. Para sa'yo yata ang title.

My phone buzzed in vibration.

Josef:
Ay humangin bigla dito sobrang lakas 🍃🍂🌿🌾

I shook my head and typed.

Dada:
Matangay ka sana 😒

Josef:
Ok lang 😜 Safe dito sa hospital 🚑🚨🏨🏩🏥

Itatago ko na sana yung phone ko sa bulsa ko para hayaan na siya nang biglang nagvibrate nanaman ito.

Josef:
Ano yung hospital dito? Ito ba 🏥 o ito 🏨 or wait! May heart yung isa, ito 🏩?

Talagang parang nahirapan pa siya sa pagpili nung hospital, eh nalagay niya naman yung tatlo kanina. Nag-all of the above yata ang baliw.

Biglang nagwala yung katabi ko at naging tila ba ay rakista siya. Siguro iba ng song yung pinapakinggan niya.

Naisip ko na gawain ito ng isang baliw.

Isang baliw tulad ni Josef.

Na nasa hospital.

Pucha. Siya 'tong katabi ko.

"Josef," tawag ko dito nang pabulong. Inulit ko pa nang medyo malakas nang hindi siya sumasagot.

Oo nga pala, may headphones siya.

Ting! Tumunog yung elevator at dahil kaming dalawa lang dito, yumuko ako dahil baka mamukhaan niya ako. Napagtanto ko na 'wag na lang ipaalam na nandito rin ako sa ospital.

Nakahinga ako nang maluwag nang kalabas ko ay sumarado na yung elevator. Palakad pa lang ako papasok doon sa isang room nang narinig kong bumukas ulit yung elevator.

"Dada?" tawag sa akin. Nino pa ba? Ni Josef.

Lumingon ako sa kanya nang marahan. Babatiin ko na sana siya at magpapanggap na nandito rin pala siya, biglang may humila sa damit ko.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon