Quince

5K 188 8
                                    

QUINCE

"May sakit ako," daing ni Josef sa cellphone. "Masakit na yung ulo, katawan at lalamunan ko."

"Bagay mo," balik ko.

"Aray naman, Dada. Pati puso ko, sumakit bigla. Kala ko bang concern ka na sa akin?"

"Kasalanan ko ba?"

I heard him sniff. "Ay sorry na po, boss. Kasalanan ko na."

Napailing ako sa kanya kahit hindi niya nakikita. Umagang-umaga, ako ang ginugulo. "Ge, trabaho na ko, boss," paalam ko at diin ko sa boss dahil siya naman talaga yung tunay.

Narinig ko siyang tumawa pero parang sumakit yung ulo kaya tumigil din. "Sige, ikaw magpatay ng call. Fighting!"

Sinunod ko naman siya at agad na ibinulsa yung cellphone.

I suddenly yawned as I close my locker. Inalis ko muna rin yung ipit ko para ipusod at katapos, sinuot na yung apron ko. Nagmadali ako nang marinig kong may tumunog kaya alam kong may pumasok.

Kinukuha ko yung hairnet sa may bulsa ko kaya napasigaw na lang ako ng "Welcome po!"

Ang bumungad sa akin ay isang babae na medyo pamilyar sa akin.

Siya yung babaeng nakikita ko noon kapag nagpapalit kaming shift ni Gail. Kapag umaga, panigurado nandito siya. Para bang minsan siya na yung nagdadala ng araw tapos siya na rin ang magtitinda ng pang-umagang shift sa store.

Never bothered to ask her name kasi ang routine niya lang ay bibili ng cup noodles tapos ngingiti tapos agad na uupo. But I wondered kung may inaantay lang ba siya o dito na talaga siya nag-aalmusal.

And as usual, she bought a cup noodles. Ang nahalata ko lang ay paiba-iba naman yung flavor.

"Uh... Nagpalit kayo nung isang babae dito?"

Napansin niya siguro na hindi si Gail yung nandito. Mukhang hindi niya ako napapansin nun dahil hindi naman ito ang first time naming magkita.

"Temporarily," I answered.

She nodded at inikot yung tingin sa paligid. "Anong mas maagang nakakamatay? Magmahal o laging pagkain ng cup noodles?"

Ako ba ang tinatanong niya? Kung ako, isasagot ko yung cup noodles. Kaso baka tumigil siya sa pagbili. Sayang naman, suki na rin namin siya.

Kinuha ko yung plastik na kutsara at tinidor sa baba. Inabot ko ito kasama nung sukli at resibo niya.

"Alam mo na ba yung game--"

"Yung may mga prizes? Oo, pakilista na lang dun sa Rosario Crisostomo."

Tinype ko ang pangalan niya at agad naman itong lumitaw. Hindi naman ganun karaming Rosario ang bumibili dito kaya nasigurado kong siya iyon.

"Walo na lang, mananalo ka na." I shared.

Narinig ko siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.

Siya yung tipo ng babae na alam na maganda siya. Her hair was so straight na para bang pinlantsa niya ito. She oozed confidence and poise. She looks like a model actually. Kung 'di lang siya kumakain dito ng cup noodles everyday, iisipin ko biglang may lilitaw na mga photographers dito.

"I can never win." Hindi niya mukhang gustong iparinig sa akin pero narinig ko pa rin. Nagpanggap na lang akong hindi.

"Anyway, yung tanong mo," I said then stopped. Hindi ko alam pero sinagot ko pa rin. "Both are going to kill you either way. Piliin mo na lang po yung isa na kahit ikamatay mo, masaya ka."

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon