Diecisiete

4.6K 179 7
                                    

DIECISIETE

Nakatingin ako sa mga cakes na nasa loob ng glass counter. Una sa lahat, ang mamahal talaga ng mga ganito. Kung sanang marunong lang akong magbake o kaya nga kahit magluto man lang.

"Ma'am," the boy behind the counter said, "Cakes po?"

Tumingin ako sa lalaki at nanlaki ang mga mata ko.

"Carlo?" Hindi ko makapaniwalang sambit.

"Dada!" gulat niyang sabi tapos ngumiti. "Kaya ba nagpalit kayo ni Gail? Para kumain kang cake?" loko pa nito.

Siya yung nagshi-shift katapos ng midnight hanggang umaga sa store. Siya yung katapos ko dati pero ngayon si Gail syempre. Grabe. Midnight hanggang hapon? Nagtatrabaho siya? Wow.

"Dito ka sa hapon?" I asked.

Tumango siya tapos napakamot sa batok. "Nonstop trabaho dapat eh. Kailangan."

"Natutulog ka pa ba?"

He laughed. "Oo naman. Sa pagde-daydream ko, nakakatulog ako."

I scrunched my nose dahil sa sinabi niya. "Sipag naman. So," pagsisimula ko, "Ano yung masarap na cake rito?"

"Sa totoo lang," tapos lumapit pa siya ng konti para yata bumulong, "Hindi ko pa natitikman lahat kaya 'di ko alam."

Oo nga naman. Wala naman palang free taste or tikman mo lahat promo porket nagtatrabaho ka doon.

"Pero yung pinakamabenta is yung Chocolate Molten-Peanut Butter Cake," tuloy niya kaya agad kong hinanap doon sa lalagyan yung sinasabi niya.

"Onga, masarap nga 'yon. Kaso masarap din yung lemon-coconut, toffee, sponge cake, tsaka yung red velvet pero the best yung mga lemon cakes nila," sabat ng isang sobrang pamilyar na boses.

Hindi ko na talaga kailangan lumingon para malaman kung sino pa iyon. Nakita ko siya sa gilid ng kaliwang mata ko. Nakatutok din yung atensyon niya sa mga cakes.

"Sef," Carlo acknowledged him.

"Hi Carlo!" masiglang bati ni Josef sa kanya.

Hah... Okay?

"Magkakilala kayo?" I asked at gusto ko pang idagdag na I mean hindi naman imposible pero medyo nakakapagtaka kasi nga doon sa oras ng pagtatrabaho ni Carlo, pero naisip kong 'wag na lang.

"Mahilig ako sa mga cakes," Josef answered tapos tumawa silang dalawa ni Carlo na para bang may nakakatawa.

Tumango ako. "That explains bat alam mo lahat ng cakes nila."

After kong sinabi yun, pinili ko na yung Chocolate Molten-Peanut Butter Cake at pinalagay na sa kahon. Katapos kong nagbayad ay umupo muna ako doon sa malapit na upuan para hintayin. Ang kasunod ko na si Josef ay narinig kong nagsabi ng "the usual" daw kaya no doubt na lagi siyang nandito.

Ngayon lang ako nakapunta rito dahil sinabi ni ate na masarap nga raw yung pagkain dito. Restaurant kasi siya na parang may halong pagka-bakery. Kapag inikot mo ang tingin sa kabuoan, puro lemon ang design ng mga pader.

"Paupo!" Rinig kong paalam ni Josef at bago pa man ako nakasagot, nakaupo na siya.

Tinutok ko na lang ang atensyon ko sa flyer. Nabother ako sa pagtitig niya sa akin habang nakasalong-baba pa.

"What?" tanong ko.

"May okasyon ba?" tanong nito pabalik.

I nodded. "Birthday."

"Mo? Ngayon?!"

Umiling ako agad. "Ni mama," I corrected.

Magsasalita pa sana siya nang may waitress na dumating. Naglapag siya ng isang platito ng cake at akala ko ay aalis na siya nang magpatong pa siya ng ibang limang iba't ibang flavor na cake.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon