Treinta y Uno

3.9K 174 14
                                    

comments & greetings on my profile wall are very appreciated! ang kyut ng mga reactions niyo :) hope this makes you smile kasi from this chapter onwards... uh, medyo magso-sorry na ako in advance 😅 xx

***

TREINTA Y UNO

"Okay ka na ba? Nilunok mo na ba yung mga gamot mo? Anong gusto mo? Gutom ka ba? Gusto mo muna bang matulog?" tuloy-tuloy na tanong ni Josef.

Nakalimutan atang sabihin ni Gail na kapag umiinom ako ng gamot, mas nagigising ako. Lalo na kapag uminom ako ng maraming tubig.

"Nood tayong powerpuff girls," I requested.

"Huh?"

"Powerpuff girls... Nood tayo," pag-uulit ko.

"So, totoo nga. Para ka talagang nasasaniban. Kung alam ko lang, sana hinawaan na kita ng mga sakit ko nun," sambit niya.

Imposible naman akong mahawa. Yung ibang sakit niya ay dahil sa kanya. Actually, yung sakit ko dahil din naman sa kanya.

Nakaupo lang ako ngayon habang nakatitig sa mga hinanda niyang timba at mga pagkain sa harapan ko. Yung ibang pagkain, nakabalot pa at kailangan pang lutuin kaya hindi ko alam bat kasama. Kaso yung mga yun ay puro cup noodles.

Cup noodles... Hay.

Yung timba naman daw ay incase kung gusto kong magsuka. As of now, wala pa naman akong mailalabas. Puro sounds lang na parang nasusuka.

Elk. Ganon ba.

"Dali na," pamimilit ko.

"Sagutin mo muna tanong ko. Sino si Left?"

I blinked three times before answering, "Crush ko dati."

"Nasan siya ngayon?"

"He left," sagot ko tapos tumawa nang mahina. "Galing no? Left tapos he left."

"Yun ba yung pangalan niya?"

Umiling ako. "Codename lang. Left-handed kasi siya."

Mukhang nakuha na niya yung gusto niya kaya tumayo na siya at pinanood ko siyang buksan yung telebisyon at yung DVD player.

"Ako naman may mga tanong!" sigaw ko sa kanya kaya napatigil siya bago siya may kunin dun sa may drawer.

Humarap siya sa akin. "Ano?"

'Di ba kapag may sakit ka, napipilitan nang maging honest yung mga tao? Parang kumbaga kahit anong request mo, ibibigay nila sa'yo.

I tested that theory by asking, "Gusto mo ba akong i-piggy back dahil mukha akong baboy?"

Nanlaki yung mga mata niya pero hindi siya sumagot.

Bwisit. Mukha na akong baboy?

"Hindi ah," bigla niyang sagot.

"Bat natagalan sagot mo?"

Hinanap niya yung remote sa may mesa na nakatago dun sa mga pagkain. Nang makuha niya ay doon siya sumagot, "Nagtataka lang po."

Okay. Next question...

"Mahal na mahal mo ba yung cup noodles?"

Nakita kong kumunot yung noo niya tapos lumapit sa akin nang kaunti. Yung pagitan na lang namin ay yung maliit na mesa.

"Oo," marahan niyang saad.

"So, gusto mo pa si Rio?" I asked bluntly.

"Ha?"

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon