Once

5.4K 209 2
                                    

ONCE

Dada:
Musta?

Dada:
Busy?

Dada:
May sakit ka?

Dada:
Hi

Dada:
Ay xsent

Then, that's it. No reply. Wala man ni ha ni ho. Pati ang xsent kuno ko ay hindi niya man pinatos. Ilang kilo ng kahihiyan ang nilunok ko para dun tapos... Wala.

Nakakunot ang noo ko habang sinusumpa yung sarili ko. Patawarin sana ako ng nawa sa pangungulit ko. Iyon lang naman ang mga texts ko for the week days simula nung Lunes.

It's been one week since the dinner and Saturday na ulit. But the thing is, walang Josef Jeth na lumilitaw rito sa convenience store. Not that I was waiting for him or ano... Nahalata ko lang.

"Baka busy," bulong ko tapos ibinaba na yung phone sa may table. Sinubukan ko na muna ulit hanapin dito sa mga cabinets yung journal ko.

Hindi ko kasi maalala saan ko last nilagay. Yun yung parang notebook na kahit 'di ko na sinusulatan, gusto ko nakikita ko pa rin minsan-minsan. Sinubukan ko nang hanapin sa bahay pati rito sa store pero wala talaga. Kahit anong paikot kong gawin sa lugar, wala.

Sa sobrang busy ko, 'di ko napansing may tao na pala sa harapan ko.

"Ms., may coke in can, straw, at ketchup sachet ba kayo?" Ang narinig kong tanong ng isang babae.

Lumingon ako sa customer at nakitang nakayuko lang ito habang binabasa yung nakasulat sa cellphone niya.

Parang pamilyar ito kaya inantay ko siyang magtaas ng ulo. At mukha namang inaantay niya rin ako kaya tumingin na siya sa akin.

"Kiella?" I called her name.

Ezekiella is her full name kung tama ang natatandaan ko. A somewhat childhood friend of ours. Siya yung tipong kaibigan na sobrang mapangtrip pero kapag naagarabyado ang kaibigan niya dahil sa iba, to the rescue siya agad.

Outside, she has a petite body and has a very young looking face. Inside, sobrang matured niya mag-isip kapag hindi siya nagsasabi ng kalokohan.

Even though matagal na huli naming pagkikita, I know that she didn't change that much. Ramdam ko... And I was kind of hoping. This world needs more of her, sa totoo lang.

"Uh..."

Sinubukan ni Kiella itago ang hesitation niya pero 'di siya nagtagumpay.

Naalala kong may isang sabit pala sa kanya. Makakalimutin siya, but actually she just intentionally does that. I didn't believe her nung sinabi niyang kaya niyang kalimutan yung nangyare sa nakaraan nang literal.

But this time around, tiwala akong mukha ngang kaya niya.

"Dada. Ako si Dada," pakilala ko at sana naaalala niya.

"Ah, oo! Ikaw si Ate nun na napakain ko ng oreo with toothpaste 'di ba?"

Sa dami ng memories at pinagdaanan namin, yun pa. Yun talaga ang napili niyang aalalahanin.

"Malakas pakiramdam ko na 'di para sa'yo yung mga sinabi mo," hula ko.

Tumango siya sa akin at umirap. "May gago akong ha-huntingin."

"Boy hunting?"

"Hindi. Hayop siya kaya animal hunting."

I chuckled sabay iling.

Naalala ko tuloy bakit ako naging isa sa mga target niya noon. Nung bata kasi ako, ayaw kong makipaglaro kina ate pati mga kasama niya sa labas. Hanggang sa umabot na may natulak ako sa kanila nung sobra na akong pinipilit.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon