Treinta

4.4K 162 14
                                    

TREINTA

"May sakit ka ba? Okay ka lang?" he asked for the nth time simula nang karating niya dito.

"Oo nga. Gusto mo ilipat ko pa sa'yo," sagot ko tapos agad akong napaubo katapos nun.

Shiz. Bad timing naman itong ubong 'to. Bakit 'di ka makisama, ubo?!

Bakit bakit bakit?

"Dahil ba yan nung nasa baba tayo ng fountain at nagyayakapan—"

"Ah!" sigaw ko tapos tinakpan yung bibig niya.

Nasa loob kami ng store ngayon at malapit nang maghatinggabi. Wala ng tao sa store dahil malapit na yung end ng shift ko pero kinailangan ko talagang takpan yung bibig niya.

Naramdaman kong parang nabasa yung palad ko kaya tinanggal ko ito kaagad.

"Uy kadiri! Dinilaan mo... uh, wait," then I stopped speaking dahil naramdaman kong parang may sipon na lalabas.

Nilabas ko yung sipon na mula sa ilong ko dun tapos agad na tinuloy yung hindi ko nasabi kanina.

"Dinilaan mo kamay ko?!" I yelled tapos pinunasan na rin yung palad ko gamit yung tissue.

"Bat mo kasi tinakpan bibig ko? Wala namang ibang tao dito at isa pa, ano bang mali sa yakapan—"

"Ehhh!" pagwawala ko, "May mga CCTV dito! Baka may makarinig sa sinasabi mo!"

Okay. Lame excuse, Dada.

He burst out laughing kaya inantay ko siyang tumigil. Then he smiled at me.

"Alam mong walang sounds yung mga CCTV 'di ba?" he reminded.

Parang hindi yata tumutugma sa akin yung mundo, yung mga lucky stars or kahit si Josef man lang sana. Wala. Ako na lang mag-isa sa mundong ito.

"Alam ko! Pake mo ba!" I shouted then glared at him. At dahil wala na akong masabi, nagpanggap na lang akong inuubo hanggang sa maging totoo na.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin at ngayon ay nasa likuran ko siya habang tinatapik niya yung likod ko.

"Ayan kasi, tinulak-tulak mo pa ako," lipat niya ng sisi sa akin.

Aba. So, kasalanan ko 'to?

Hinarap ko siya tapos lumayo sa kanya nang kaunti dahil baka mahawa siya ng ubo ko. Tinignan ko siya nang maayos at naghanap ng sign kung may sakit din ba siya.

Mukhang wala naman. Baliw lang talaga siya.

"Eto yung mga gamot para sa ubo at lagnat," sabay abot sa isang plastik.

Itinutok niya yung plastik sa may mukha ko kaya wala akong choice kundi kunin na ito. Binuksan ko yung plastik at tinignan yung mga gamot doon.

"Oh... Wow. Bat may strepsils? Uso pa pala 'to?" gulat kong tanong.

Akala ko nung una ay namalik-mata lang ako pero nakumpirma ko nang kunin ko yun at inangat.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon