P.S. The asterisks after some sentences here are written in Kapampangan. The translations are written after the chapter. Thanks! xx
***
TREINTA Y CUATRO
"Gising! Pumunta ka ba dito ngayon para matulog?" I heard someone shouted kaya dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko.
Nahagip ng mga mata ko si Gail na nakatayo sa harapan ko.
"Ano bang ginawa mong sobrang importante kahapon at humingi ka ng pabor sa akin na ako magbantay sa store?"
I blinked a couple times before nodding.
"Ha? Bat ka tumatango?" she asked.
Umiling ako sa kanya.
Ano bang sinasabi niya? Hindi ko maintindihan.
"Hala hoy! Puyat ka ba?" pangungulit niya tapos siya rin sumagot sa sarili niya, "Oo! Puyat ka! Wow. Bakit? Kasi 'di siya natulog nang maaga!"
I tsk-ed before asking, "Napano? Sino kaaway mo?" Then I yawned.
I heard a gasp. "Hindi ka nagtrabaho kahapon pero puyat ka pa rin? This is so amazing. Palakpakan po tayo mga kaibigan." Tapos pumalakpak nga siya.
Weirdo.
Oo. Hindi ako nakapagtrabaho kahapon. Pinakiusapan ko si Gail na siya muna yung magbantay sa store. Tinanong ko naman kung okay lang o hindi pero dahil siguro wala rin naman siyang magawa, pumayag naman siya.
"Ano 'tong box mo? Pizza? Ang aga pa. Dapat sa umaga, ang breakfast ay fries with sundae ganon," sambit niya.
Doon lang naging malinaw yung nangyayare sa paligid ko. Kumunot yung noo ko sa pagtataka dahil sa pananamit ni Gail. Nakapalda siya na parang pambata at para siyang binalutan ng rainbow sa sobrang dami ng kulay na nakabalot sa kanya.
Nandito ako ngayon sa store at nakaupo sa isang upuan habang nasa table yung box ng pizza.
Ito yung dahilan bakit hindi ako nakatulog nang maaga. Ginawa ko yung lahat para makahanap ng pizza sa Pilipinas na walang cheese.
Yung iba nga tinanong if vegetarian ba ako. Um-oo na lang ako tapos maya-maya nalaman kong may mozzarella cheese pa rin yung pizza para sa kanila.
"'Wag mong hawakan," I warned, not forgetting the fact na nakakahilo yung mga kulay sa damit niya.
Hindi naman sa ayaw kong ipahawak dahil ayaw kong ipakain sa kanya o ipakita kundi alam kong sobrang fail nung nasa loob ng box. Binili ko lang itong box na 'to kahapon at bumili na rin ako ng mga ingredients.
Sobrang pasasalamat ko dahil hindi umuwi sina ate at papa na nasa ospital lang. I made a pizza at home. Sinundan ko lang yung mga steps how to make a No-Cheese Pizza na nakita ko sa internet.
I can't say it's super inedible since I ate some and it was good... Good for people who never tasted delicious pizzas. So now, I really have no idea kung bakit kailangan ko pang ibigay sa kanya since hindi naman ganun kasarap yung ginawa ko.
"Bakit? Dapat ba si Josef yung unang makahawak?"
Parang nawala na talaga lahat nung antok ko nang marinig yung pangalan niya. But to be honest, nawala na dahil sa damit nitong babaeng 'to.
"Hindi," I denied then changed the topic to her, "Sino yung tumawag sa'yong ma'am?"
I watched as her face expressed the panic she was obviously feeling so my eyes narrowed on her.
BINABASA MO ANG
Failed-ibig ✔
RomanceIn a world where love is something we seek to believe in, will we also get this chance in a lifetime or are we just doomed to fail in love?