Treinta y Seis

3.9K 155 44
                                    

TREINTA Y SEIS

I was busy having deep thoughts about everything that is happening when the door of the store opened.

Time has passed by so fast kaya hindi ko man napansing it was already quarter to 6 in the morning. Kakalabas lang nung isang bumili ng maraming inumin. Baka magbabakasyon sila sa malayo kasi nakita ko sa labas na may nakapark na van.

But seriously... Paano ba nakakaya ni Carlo yung mga oras na ganito dito? Parang nakakabaog nga talaga.

Akala ko bumalik yung lalaki kanina nang matigilan ako sa lalaking pumasok.

Si Josef.

Oh shet pinakbet. Imposible naman. Yung oras naman oh, lokohan lang? Tulog pa yung totoong Josef ngayon if I know.

"Sef," tawag ko pa rin sa kanya para makumpirma kung siya nga.

May suot itong bag at parang pagod na pagod siya dahil binagsak niya yung bag sa sahig. Ang suot niya ay parang galing siya sa isang meeting sa isang malaking kumpanya. Hindi naman siya naka-tuxedo pero ang suot niya ay long sleeves at pants. Yung katulad nung nakikita ko sa mga movies kapag kakatapos lang ng meetings o nainitan sila ganon kaya magtatanggal sila ng suit.

"Josef?" tawag ko ulit.

Nanaginip ba ako o hallucinations na? Jusme naman. Para na akong obsessed kung ganun.

Gising, Dada!

"Dada," he called my name.

Ay wait! 'Wag ka muna gumising, Dada!

"Sef," I whispered.

He didn't say anything but he headed my way, coming to a stop not very close, and said, "Hi."

Anong isasagot mo dun? Sa "hi" niya? Hello? Musta? Saan ka galing? Bakit ka nandito ngayon?

"Hello," ang tangi ko lang nasabing pabalik.

"Musta?" he asked, still looking away.

"Ayos lang," I stated.

He didn't look at me but approached the freezer and took two ice cream cones. Then finally, I gained his attention.

"Ikaw?" dagdag kong tanong nang hindi siya nagsalita at inabot lang sa akin yung dalawang ice cream.

Napatingin ako sa braso niyang wala ng arm sling. So, if naalis na yung arm sling niya... Okay na siya?

Of course not. He has type 1 diabetes. Sandali lang. Is ice cream okay for him? Well, kumakain siya ng maraming cakes. I think baka okay lang sa kanya.

I read on the internet earlier na they can eat anything. Dati raw may restrictive diet plan pa pero ngayon wala na dahil sa insulin. Basta may fruits at vegetables din na kinakain. Then I remembered the pizza.

Yung pizza na iniwan ko kay Ryan. Sinabi ko sa kanya na lang. Hindi na rin siya nakapagsabi ng hindi dahil iniwan ko yung box sa sasakyan niya.

Iniscan ko ito nang sumagot siya, "My... Dad... Uh, bumalik na siya."

Oh. So, buhay nga yung Papa niya. Last time kasing gusto kong itanong, parang ayaw niyang pag-usapan. Hinula ko kasi noon na either may nangyareng masama at nawala na yung papa niya or may ayaw siyang maalala.

"42 pesos," I told then asked, "Talaga? So... What happened?"

He paid with a 50 peso bill so I gave him his change habang nakatitig lang siya sa kawalan.

Si Josef ba talaga 'to?

"He... He left us. Matagal na. But you know what's funny? I can still remember," he started to share then shook his head na parang tumigil siya dahil hindi niya na kayang ituloy. But I can see it, parang nahihirapan siya lalo if hindi niya ilalabas.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon