VEINTE
"Ayaw mo ng pizza?" I asked, incredulously.
Pumunta kami sa grocery after naming magpagupit ng buhok. Ngayon naman ay nag-iimbitang kumain si Josef at itinanong niya sa akin kung gusto ko bang kumain. Like a typical conversation, nagpalitan kami ng sagot. Hanggang sa sinabi ko na pizza tapos kaagad siyang humindi.
Hindi. No.
Sa pizza.
Is this guy even for real?
"Hindi naman sa ayaw," he defended himself, "Matagal na nung last akong nakakain. Not sure if tatanggapin pa ng tiyan ko."
Unbelievable.
"That's forlorn," I informed.
We were walking side-by-side. Nagtext sa akin ng listahan si Ate kaya no choice ako kundi wala raw akong kakainin sa bahay. Josef, on the other hand, came with me.
Ano pa nga ba? Crush na yata ako nito.
"Forlorn? Saan mo nanaman galing yun?" I just rolled my eyes at him. Tumawa siya dahil alam niyang hindi ko naman sasagutin ang tanong niya tapos umiling."Paborito mo ba yung pizza?"
"Sino bang matinong tao na hindi?" I retorted.
"Yung mga gwapong tao tulad ko," sagot niya. Inirapan ko lang siya na tinawanan lang niya.
"Maria?" I heard someone called.
At dahil hindi naman ako sanay na ganoon ang pangalan na tinatawag sa akin, I just ignored it.
But Josef did not.
"May tumatawag sa'yo, Dada," sabay turo sa likuran namin.
Kapag Maria ang ibinigay kong pangalan sa tao, it's either gwapo siyang lalaki na halatang playboy o sa mga taong ayaw kong paalam ang pangalawang pangalan ko.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang tulak-tulak niya yung cart.
"Maria!" tawag sa akin ulit nung lalaking boses.
"Dada," tawag din ni Josef at tumigil sa paglalakad para tumalikod.
Okay... Kailangan ko yung cart ko.
I sighed and turned around. Nang makita ko yung tumatawag, my eyes widened for a second at agad na ngumiti.
"Hi Ryan."
"Hello Maria," tapos ngumiti siya.
Isa siya sa doon sa mga gwapong halatang playboy, sure ako.
Nagtinginan lang kami kaya nilipat ko ang akin kay Josef. Nakatitig lang siya kay Ryan at parang may iniisip.
"Ry? 'Kaw ba yan?" Josef suddenly said... to Ryan.
Itinuon nito ang pansin kay Josef at mas lalong lumaki ang ngiti sa labi.
"Sef!" he shouted tapos lumapit sa kanya sabay apir.
Magtataka pa ba ako? Na kakilala lahat ni Josef ang mga tao?
I mean... Baka pati yung presidente, kaclose niya na rin pala. And to think, parang nabanggit niya noon na kakalipat niya lang. Hindi ko lang alam kung saan siya nanggaling. Baka lumipat lang pala siya pero hindi naman malayo ang pinanggalingan.
"Wait, Maria. Pinagupit mo buhok mo?" gulat na tanong ni Ryan sa akin.
Magugulat talaga siya dahil iyon ang unang sinabi ko sa kanya nung nagdate kami. Nakakagulat din dahil naalala niya. Ibig sabihin nakinig siya sa akin noon.
BINABASA MO ANG
Failed-ibig ✔
RomanceIn a world where love is something we seek to believe in, will we also get this chance in a lifetime or are we just doomed to fail in love?