DIEZ
"Sef!" Napatigil kami sa paglalakad nang may narinig kaming tumawag sa kanya.
Lumingon kami doon sa tao tapos nakakita ako ng anghel na naglalakad sa lupa. Kung sinuman ang mga magulang nito, dapat silang sambahin. Aleluya.
"Ay naknampucha. Xavier? May grand reunion ba ngayon? 'Di ako nainform!" Excited na sabi ni Josef tapos nag-bro fist sila sabay hug. "Long time no see! Anong ginagawa mo dito?"
Save her? Ano raw?
"Just with a friend," sagot nito kay Josef sabay turo sa kawalan. "And who's your friend here? Hello, I'm Xavier. You?"
Ah... Xavier pala.
Maria Emaculada Liangco and please insert your surname here kako sana. Ay shet. Napano ako? Tinamaan ata ako ng landi.
Kumurap ako nang mabilis at paulit-ulit para maalis yung mga iniisip ko.
"Maria," pakilala ko.
I heard Josef snort na para bang may nakakatawa. Gagi 'to ah. Ako ba tinatawanan?
"What a beautiful name," puri ni Xavier sa akin.
Tumango na lang ako at ngumiti para hindi mahalata ang epekto ng kagwapuhan niya sa akin. Nang lumipat tingin ko kay Josef, nakita ko siyang nagpipigil ng tawa.
"Anyway, I need to go. Kita na lang tayo next time, Sef." Paalam niya tapos tinapik ito sa balikat tapos nung tumingin siya sa akin, kumaway siya. "Hope we see again, Maria."
At naglakad na siya papaalis.
"May mga mata ka pa ba, Maria?" Agad tanong ni Josef nang makalayo na si Xavier. May diin ang sabi niya doon sa "Maria" tapos kulang na kulang na lang talaga, sasabog na yung tawa niya.
"Ha?" Pagtataka ko.
"Akala ko kasi sumama na kay Xavier yung mga mata mo. Parang hinuhubaran mo na siya kung makatingin eh, Maria," he teased.
Tinignan ko lang siya nang masama. "Ulul mu. Tigilan mo ko," balik ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa court dahil mag-uumpisa na yung laro. "Tara na."
Nang naglalakad kami, hinawakan niya bigla ang braso ko kaya napatigil ako.
"'Pag hiningi niya number mo, 'wag mong ibigay Maria ah?"
Tinignan ko siya tapos nagdalawang isip kung aasarin ba siya o hindi. Napili ko yung una.
Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Selos ka?"
"Ha? Syempre. Crush na crush ko yung si Xavier eh. Ewan ko ba bat 'di niya ako napapansin. Nandito lang naman ako para sa kanya lagi kaso wala talaga," saad niya tapos sabay suminghot na parang naiiyak.
Hindi ko alam ang sasabihin kaya nagpasalamat ako sa mga bituin at lahat dahil may sumigaw.
"Kuya Sep! Magsa-start na in one minute!" Pagtawag sa kanya.
"Okay! Excited na ako!" Sigaw naman niya pabalik. Nang makaalis na yung lalaki, bumaling siya sa akin. "Sorry talaga na ngayon ko lang nasabi na orange team tayo kaya kita pinag-orange ah."
Nagtataka pa rin ako bakit pa kami naka-formal pero naisip ko na yung restaurant kasi nila ay parang pang-RK talaga. Tsaka, ano pa bang magagawa ko? Nakakatamad magalit ngayon.
"Oo nga. Kulit naman. Good luck ah."
He grinned tapos umakto na parang kinikilig. "Ba! Medyo nag-aapply ka na yatang maging supportive girlfriend ko ah. Kung ako si Big daddy yum yum, ikaw na ba si small mommy yum yum?"
BINABASA MO ANG
Failed-ibig ✔
RomanceIn a world where love is something we seek to believe in, will we also get this chance in a lifetime or are we just doomed to fail in love?