Veintiocho

4.5K 202 22
                                    

VEINTIOCHO

"May sunod ka pa ba niyang pupuntahan?" pagod na tanong ko kay Josef.

Tumingin si Josef sa papel niyang hawak-hawak.

"Kailangan kong makuha lahat ng 'to," he replied tapos ipinakita niya sa akin.

Kinuha ko yun tapos binasa. Puno yung papel ng mga ingredients para magluto, mga brand ng damit, mga brand ng sapatos at may mga school supplies pa. Mukhang sa kanya yung sulat dahil gulo-gulo. Parang sinulat lang niya nang nagmamadali.

Kanina pa kami umiikot sa mall, as in hindi literal na ikot. Mas gugustuhin ko na nga lang ang umikot sa carousel kaysa maglakad nang maglakad. Ang sakit na ng mga paa ko. Bwisit.

"Shopping list 'to eh tsaka grocery list!" I shouted, exasperated.

He nodded then grinned. "Thanks, Captain Obvious."

Aba. Jusme. Ito ba yung surprise na sinasabi niya? Tama siya! Surprise na surprise ako!

"Para sa'yo lahat ng mga 'to?" tanong ko sa kanya.

Tumango ulit siya tapos kinuha na sa akin yung papel. "Oo, para sa kinabukasan ko 'to."

"'Pag napatay kita ngayon, wala ka ng kinabukasan," I said quietly tapos tumingin sa hawak-hawak kong cart.

"May problema ka ba?"

"Meron," I proclaimed. Gutom na gutom na gutom na ako. At sobrang sakit na ng mga paa ko!

"Hayaan mo 'pag naging tayo, sabay natin haharapin yang mga problema mo."

Ha? No, thanks.

"Ah... Wala na pala akong problema," bawi ko kaagad.

He laughed. "Chill ka muna. 'Pag naging tayo, magkakaproblema ka rin sa akin."

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya at nagpatuloy lang sa pagtulak ng cart. Tumigil ako nang makakita ako ng mga pagkain sa gilid ko. Yung level ng pagkagutom ko ay lalong tumaas.

"Uy, kain muna tayo!" pamimilit ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na umiling siya. Sinundan ko siya ng tingin nang unahan niya ako sa paglalakad at ngayon ay yung buhok niya lang ang nakikita ko.

"Ngayon ba?" tanong niya na medyo pasigaw.

Tinignan ko yung likod niya nang masama. "Chill ka muna! Next year pa. Sinabi ko lang ngayon para prepared ka."

Humarap na siya sa akin habang tumatawa. "Salamat sa advance announcement."

"Gusto mo na ba akong mamatay sa gutom?" I asked through gritted teeth, then pinlano kong banggain siya sa pushcart.

Lumayo siya kaagad kaya nakailag siya bago pa man bumangga sa kanya. Annoyingly, hindi pa rin naalis yung expression na natatawa niya sa mukha.

Bakit nga ba ulit ako nandito? Ah, hinila lang naman kasi niya ako papasok sa kotse nila nang lumabas ako sa bahay namin.

Nagwala pa ako at nagreklamo pero natameme rin nang pinamblackmail na niya yung pagkain sa auction.

Napakasama niyang tao. Wala siyang puso. Ako malapit nang mawalan ng malay sa sobrang gutom. Hindi na nga ako nakakain ng almusal tapos ngayon hapon na, wala pa ring laman ang tiyan ko.

"Kaya ngayon ako naman papatayin mo?" he asked innocently.

Tinignan ko siya pero nakuha ng atensyon ko yung armsling niya.

Inilagay ko sa ibang bagay ang isip ko. Malayo sa pagkain.

Naalala ko tuloy itanong yung nakalimutan ko noon. "Ah, oo nga pala. Yung bike mo bang nabangga, bike na motor o bisikleta talaga?"

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon