Treinta y Siete

3.7K 139 16
                                    

TREINTA Y SIETE

"You can't pull through this shit."

Rinig na rinig ko pa rin yung mga sinabi ni Josef sa akin habang nakatingin ako sa mga sapatos na suot ko. Nagkakagulo na yung mga ibang tao sa labas habang kami ni Ate ay nandito sa sulok dahil inaayusan niya ako.

Inalis ko yun sa isip ko tapos tumingin sa phone ko para tignan yung oras. Malapit na palang magstart yung event.

"Seryoso, Dada? Magra-rubber shoes ka habang naka-long dress?" Ate asked me.

"Oo, ate. Tatayo ako nang matagal," I explained.

Tumawa naman siya sa explanation ko. Well, may point naman ako. But she knows that the shoes I'm wearing now are new. Sa totoo lang, I never wanted new shoes so maybe she had a hunch na may nagbigay sa'kin.

Tama naman siya.

To divert her attention, iniba ko kaagad yung topic.

"Kasalanan mo 'to," I accused Ate Esmie.

"Ano na naman ginawa ko, aber?" balik niya.

Kasalanan niya kung bakit ako napasubo dati sa event na 'to dati in the first place. Siya naman talaga dapat yung mapapasama sa mga "candidates", ika nga nila. But she gave them the idea na ako na lang daw.

Sino bang makaka-hindi sa mga taong kailangan ka?

Pero kasalanan pa rin ito ni Ate, even though alam kong pwede naman talaga akong humindi.

"Basta kasalanan mo," ulit ko na lang.

Tumawa lang siya tapos sinabunot ako nang mahina. "Bahala ka diyan. Punta muna ako sa mga kasama ko. Mauuna yung mga lalaki 'di ba?"

Tumango ako tapos tinignan siya nang maiigi sa mga mata. "Wait. May gusto ka yatang i-bid?" I teased.

Kinindatan niya lang ako sabay labas na ng backstage. Baliw talaga si ate.

Napatingin naman ako sa mga taong nagkakagulo sa loob. Hindi naman exactly gulo pero may kanya-kanya silang ginagawa. Naisip kong lumabas na rin muna para magpahangin.

Sa may bandang damuhan sa labas ng hotel, nakakita ako ng isang upuan. Uupo na sana ako doon sa bench nang may narinig ako sa hindi malayong nagsisigawan.

"Why did you join here!" sigaw nung lalaki.

"Why are you asking me? Why did you?!" The girl responded.

Kahit medyo madilim, nakita ko ang mukha ni Rio at Russel nang tamaan sila ng konting ilaw.

Shiz. May something nga talaga sila.

Aalis na sana ako nang nakita kong palingon si Russel sa may banda ko kaya napababa ako bigla.

"Maraming mga loko dito! What are you thinking!" Russel snapped.

"Then save me from them!" Rio clipped.

Seems like there is really something going on... Pero sabi nga ng iba, if it's none of my business, it's really none of my business.

"Rosario, you know—"

She cut him off. "Oh, wait. Kilala mo pa pala ako?"

Nagduck walk ako para makaalis na doon. Nang may makita akong pinto na nakabukas, mabilis akong tumayo at yumuko para makatakbo papunta doon.

Tatayo pa lang sana ako nang diretso nang may humila sa braso ko.

"Ate Dada," tawag sa akin ni Kiella.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon