Catorce

5.3K 201 17
                                    

CATORCE

May nangalbit sa akin at paglingon ko ay nakasimangot siya. Una, nabibingi na ako sa lakas ng ulan kaya nanahimik na lang ako. Pangalawa, inaantay na lang namin tumila yung ulan para makaalis. At panghuli, nakaupo lang kami dito sa may silong na bench habang pinapanood ang mga may payong na umaalis.

"Gutom na ako!" Reklamo ni Josef tapos bigla siyang umubo.

Kanina ko pa siya sinasabihang bumili ng gamot. Ang sabi naman niya uminom na siya kaso hindi tumatalab. Kitams, pati gamot ata sumusuko na.

"Ikaw kasi! Sabi sa'yo kanina na alis na tayo dito! Kulit!" Reklamo kong pabalik.

Ang mga kasama naman dapat naming pinsan niya ay missing-in-action. Sabi naman ni Josef na he expected that, hindi niya lang expect na kaagad silang aalis. As in wala pa man daw sampung minuto. Ang pinakamatagal daw nilang stay kapag nagba-bonding sila ay 28 minutes.

Yep, tina-timer niya.

He frustratedly pushed his hair back. Naks. Aba, siya nanaman yung may time magalit?

"Sorry na! San mo gustong kumain!" Tanong nito.

Ang tanging narinig ko lang ay yung 'sorry' kaya lumapit akong kaunti sa kanya.

"Ha? Ulitin mo!"

Lumapit din siyang konti. "San! Mo! Gustong! Kumain!"

Napalayo ako bigla kasi nasa tapat na siya ng tenga ko. Konting galaw ko lang ay mukha na niya ang bubulaga sa mukha ko.

"Ay! 'Wag ka ngang sumigaw!"

Ay, tange. Ako yung nagpaulit, malamang sisigaw siya para marinig ko. Jusme. Lately talaga inaaway ko na masyado sarili ko. Sino na lang kakampi ko niyan!

"Ayun! May malapit na kainan doon," sabay turo niya sa isang kubo na may mga kumakain. It was kind of far pero panigurado na hindi malamig doon.

"Takbuhin natin!" Sigaw ko.

Inantay ko siyang magreklamo o ano, dahil siya yung agad nanghila kanina sa akin para raw hindi kami mabasa. Kaya nagulat na lang ako nang hilain niya ang kanang kamay ko at sinimulan na niyang tumakbo nang makatayo ako.

Buti na lang agad akong nakapagreact, dahil kung hindi kinakaladkad na lang niya ako ngayon.

Wala na rin namang masyadong mga tao. Alas siete na ng gabi kaya ang halos ay nagsi-uwian na o kumakain ng hapunan.

Nang makapasok na kami sa entrance ng kainan, pumunta na kami doon sa may silong.

"Ma'am, sir, table for two po?" Lapit sa amin ng isang waitress. Buti pa dito hindi na masyadong dinig yung ulan kasi kulob lang kaya nagkakarinigan ang mga tao kahit umuulan.

Tumingin sa kanya si Josef habang ako ay hinawi ang buhok ko sa isang gilid para mapilipit at maalis ang tubig.

"Opo kaso magpapatuyo lang po sana kami sandali," he answered tapos suminghot.

"Sige po," the waitress said politely at umalis na.

Josef took out something from his pocket at nang tignan ko yung tumutunog na plastic, nakita ko yung plastic ng tissue na binigay ko. Oo nga pala, hindi pa niya binabalik.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon