VEINTICINCO
"If yung pinakauna rin naman pala yung pipiliin mo, bat pa tayo nag-aaksaya ng oras ngayon?" tanong ko sa kanya habang binubuksan niya yung plastic ng ice cream niya.
She suddenly stopped tapos tumingin sa akin. "Simple. Kasi maraming choices. Kung pipiliin ko na agad yung una, 'di ko na malalaman kung ano pang mas higit doon."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para magpigil ng tawa. Alam kong hindi na tungkol sa ice cream yung sagot niya.
I took two ice cream from the freezer tapos sinarado na ito. Dalawa kasi kakainin ko, yung isa habang naglalakad at yung isa ay kauwi ko.
Mag-isa lang kasi ako sa bahay namin kasi night yung duty ni ate at si papa, may gagawin daw kaya nung tinawag ako ni Gail, punta agad ako dito sa store. Hanggang sa napunta na kay Josef ang usapan namin.
More like she pushed it hanggang mapunta doon.
Akala ko nga nagulo ko na yung atensyon niya sa ice cream pero hindi pa pala.
"Hala, ayan! Kumain kang ice cream. Sweet 'yan! Ganyan kadali maging sweet," pilit niya.
"'Di ko nga kayang maging sweet," I said, like for the nth time.
"Okay. Edi maging bitter ka," she said then shrugged, "Itae mo nalang nun yung pagkain na ipapakain niyo sa auction."
I made a disgusted face tapos inilapag na ang mga ice cream sa counter. "Kadiri ka talaga."
"Uy pero grabe ka! Para namang lugi ka pa, eh ang fafa naman ni sir Josef," sabi niya habang inii-scan niya ang mga ito. "42 pesos este 57. Kasama akin."
Hay nako.
"Fafaluin kita sa mukha 'pag 'di mo ko tinigilan sa 'sweet' na yan," I threatened. Inabot ko yung bayad at inantay na iplastic niya yung dalawang ice cream.
But all she did was wink at me then, "Fafangako ko naman sa'yo na fafalarin ka sa kamay niya."
Gabi na at mukhang hindi na ikukwento ni Gail yung problema niya kaya napagpasyahan kong umuwi na lang. At bago ko pa siya masapak sa mga pang-aasar niya.
"Fafatayin na kita kung 'di mo pa ifafla—ipaplastic mga 'to."
Natawa siya sa pagkakamali ko pero ginawa naman ang gusto ko. Ipinasok niya yung dalawang ice cream sa plastic pero bago niya iabot, "Teka, napamigay mo na ba yung journal mo? Ibigay mo kay Josef!"
Ah. Speaking of that...
Muntik nang mawala sa isip ko yung journal na hinahanap ko noon. Hindi ko na talaga maalala saan ko last nilagay kaya hindi ko mahanap.
"Ayoko nga! Ano siya? Sinuswerte?" Then I faked a laugh para hindi niya mahalatang nawawala na.
That journal was something I've received a month ago. It contains details about me and yung rule dun is to give it to someone I'm attracted to (or kahit sinong natripan ko) para makilala niya ako without me saying it.
Yung problema lang is biglang nawala. Or nawala ko. Either way, wala na siya sa akin.
"Or sabihin mo namisplace mo lang yun!" she shouted to tease me.
Pero dahil totoo, I stilled dahil doon sa sinabi niya. Nahalata niya yata yun kaya she turned her full attention on me at inilapag na ang plastic sa counter.
"Hala! Nawala mo nga?"
Iniwasan ko siya ng tingin at kinuha na yung plastic. Humakbang na ako patalikod para tumakas nang sumigaw ulit siya.
BINABASA MO ANG
Failed-ibig ✔
RomanceIn a world where love is something we seek to believe in, will we also get this chance in a lifetime or are we just doomed to fail in love?