Diecinueve

4.7K 175 1
                                    

DIECINUEVE

"Bat ka nakakupya hanggang sa loob ng store? Pauso mo?" I asked curiously habang inaayos yung mga gamit.

Josef was reading a book na nakuha niya mula sa bag ko. I was not even sure if he was reading it kasi parang iniiscan niya lang iyon na parang may hinahanap siya. Gusto ko ngang sabihin na wala siyang pictures na makikita pero siya na bahalang makaalam nun.

"Secret," he said then looked at me, "Walang pictures 'to?"

I rolled my eyes. Well, kailangan kong sabihin. Kawawa naman. "Wala."

"Anong libro yung walang pictures? Nakakaboring yung wala 'di ba?"

"Kung ayaw lang magbasa, edi manood," simple kong sabi sa solusyon sa problema niya.

"Sungit," he complained.

"Baduy," balik ko.

Tinaas niya nang konti yung cap niyang suot. Nakasuot siya ng dilaw na t-shirt, shorts, at kulay itim na cap. Parang kakagising niya lang at agad na dumiretso dito kasi naka-tsinelas lang siya na pambahay.

Can't say na may fashion sense ako o magandang manamit kaya wala talaga akong karapatan mag-judge. Pero yung datingan kasi talaga niya ay parang minion na nakawala.

"Anong baduy? Ang gwapo ko kaya lalo na 'pag nakakupya!"

Ay, kapal.

I nodded, nagkuwaring naki-agree ako bago pa man siya makapagpatuloy sa kakapalan niya. Then I informed kahit alam naman niya, "Walang araw dito sa loob."

"'Pag lang ba may araw, dun legal na magsuot ng cap? May batas na bang ganon?" he asked.

I took a shot in the dark. "'Di ka pa naligo, noh?"

Umiling siya.

"May kuto ka?" I guessed, again.

Tinignan niya ako sa mga mata na para bang naging tatlo na yung mga ulo ko tapos umiling ulit.

But I was already on a roll so I made another guess, "May split ends buhok mo?"

He sighed and then stood up. Kinailangan ko na tuloy tumingala nang konti para makita ang mukha niyang natatawa na.

"Nakalimutan ko lang magpagupit," he confessed sabay alis sa cap niya.

Kaagad na bumagsak yung mahaba na niyang buhok. Hindi naman yung sobrang haba na umaabot sa balikat pero kumpara nung gupit niya noon, mas mahaba na talaga ito.

"Bat kahapon, iba?" Pagtataka ko.

Nakasama ko siya mula sa pinagbilhan ko ng cake papunta sa sementeryo pero hindi ko naman napansin na mahaba ang buhok niya.

"May magic kahapon eh. Nakalimutan ko lang lagyan ng fairy dust ngayon buhok ko," he shared.

I shook my head. "Bat 'di ka pagupit?"

He looked at me again like I was out of my mind. Okay? I mean, suggestion lang? Edi 'wag kung ayaw niya. Ako rin naman hindi mahilig at may monthly hair cut pero siya obvious naman na kailangan na niya.

Pero if ang ganap niya ay yung mahaba na ang buhok o magrarakista siya, why not?

"May allergic reaction ako sa mga gunting," he answered, lamely. Then tinaas ulit yung buhok niya sabay patong ng cap. At once again, nakakupya nanaman siya sa loob ng store.

Gagawa na lang ng rason o magsisinungaling, hindi pa ayusin.

Nag-log out ako sa computer and since I was not looking at him directly, 'di ako sigurado if guniguni lang pero naramdaman ko na parang gumalaw siya papalapit sa akin.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon