Veintiuno

4.7K 210 12
                                    

VEINTIUNO

"Pilitin mo siya. Dada, please," Ate Irene, the event organizer pleaded.

"Um... kasi," I mumbled then stopped.

Nasa store kami ngayon at pinuntahan ako ni Ate Irene. And dito rin sa store gaganapin yung meeting ng ibang grupo ng mga candidates. Yung mga iba raw kasi ay nasabihan na ng mga gagawin.

Ngayon naman ay pinipilit niya akong pilitin si Josef. Nalaman niya na close kami dahil nakita niya raw kaming magkasama nung kumakain kaming halo-halo.

The thing is, tinataguan ko si Josef which will not go well dahil hindi naman ako makakapagtago sa store. Which is going well now, dahil walang loko na lumilitaw sa store.

Kahapon ay yung araw na sinamahan niya ako sa grocery. Malapit na yung next shift kaya inaantay ko na lang matapos yung oras.

"Malaki yung matutulong niya sa event! Malaki yung perang makukuha ng hospital if nandun siya. Kaya please, pilitin mo siya. Not for me, for the patients," pagco-convince niya sa akin.

Bigla akong napasimangot. At tinignan siya. Her eyes were pleading me at doon ko napansin na may pagka-bluish yung mga mata niya. Ayaw kong itanong if contacts or natural but ngayon ko lang talaga nahalata. It suits her black hair.

When she's not speaking, para siyang super professional but she just sees things in a positive way. Nahahalata ko nga na halos lahat ata ng tao ngayon ay masayahin na. She's pretty in her own way kahit mas matanda siya sa amin. If wala siguro siyang boyfriend, kasama siya sa mga candidates.

"May nangyare kasi sa amin," I explained.

Katulad na lang dun sa grocery, nung nag-babble ako kasi nga nataranta.

She gasped and her eyes widened. "Oh my god, Dada! May nangyare na nga sa inyo?!" At sakto, may papasok na tao sa store.

"Hala? Anong nangyare? Sino ang nag-initiate!" sigaw ng bagong pasok na si Gail na sobrang malakas ang pandinig.

Huh? Initiate?

"Wait. Ano?" taka kong tanong.

"'Di ba may nangyare na sa inyo? Ay, hindi naman kita masisisi kasi gwapo naman kasi talaga si Josef... Pero 'di ba conservative ka?"

It dawned on me kung anong tinutukoy nila.

"Wala!" I shouted then I explained, "I mean, something happened between us."

Uh... That probably did not sound a lot better kumpara doon sa una kong sinabi.

What. To. Do.

"Ginamit niyo ba yung binili niyang box?" tanong ni Gail.

I closed my eyes in frustration. "Walang nangyare as in pisikal!"

"Hala siya... Sa online may nangyare sa kanila? Uso yun 'di ba?" Gail asked Ate Irene.

Ate Irene gasped and nods in approval. "Or baka sa text."

"Imagination ang limit! Tama!"

Nag-iisip na ako ng pwedeng pamatay sa kanila na walang mate-trace pabalik sa akin nang biglang tumunog yung telepono.

May telephone kasi yung store. Hindi ko rin alam para saan, wala namang delivery service yung store. Basta alam ko nandiyan na yan dati pa.

Gumagana pa pala yun?

"Gumagana pa yan?" Gail also asked to no one in particular. Then bigla siyang may naisip, "'Di kaya yan si Josef? Sa telephone kayo nagkakasomething?"

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon