CINCO
"Ate, nasan yung mga iba kong damit?" Tanong ko habang kinakalkal yung cabinet ko.
Kakagaling ko lang sa isang computer shop para magresearch tapos umuwi na muna para magpalit ng pantaas dahil may nakabuhos ng inumin sa akin kanina.
Tumayo si ate Esmie sabay lapit sa akin. "Pinalaba ko lahat dun kahapon sa laundry at dry cleaning store malapit sa inyo. Alam mo yun? Kasi isang bundok na yung maruming damit natin at wala na akong oras para maglaba. Dadaanan ko na niyan mamaya."
Nahahalata ko na rin naman nung nakaraang araw na paubos na yung mga malilinis na t-shirts at polo shirts ko. Si ate kasi yung nakatoka ngayong buwan na maglaba tas ako sa sunod. Salitan lang.
"Puro sando na lang yung natira," reklamo ko.
"May shirt pa yata ako diyan. Hiramin mo muna sige." Aniya at pumasok na sa banyo.
Binuksan ko yung sa kanya at kinalkal yung mga damit. Puro sando at mga jacket na lang yung nandito nang tumingin ako doon sa pinakasulok.
Natigilan ako. Patay.
May shirt nga. Pero 'di ko lang alam kung nananadya ba yung mundo ngayon o ano pero orange lang naman yung kulay. Orange mga dre, orange.
"Ate, may pang-tie dye ka ba diyan?!" Pasigaw kong tanong.
Bumukas nang konti yung pintuan at lumabas yung mukha ni ate.
"Anong tie dye pinagsasasabi mo?" Taka nitong tanong pabalik.
"Wala. Joke lang."
Wala na rin naman akong magagawa at kaysa naman magsando ako. Hindi pamo ako komportable sa sleveless na mga damit.
Tinignan ko ang orasan at napansing may oras pa bago yung shift ko.
"Ako na lang yung kukuha nung mga damit!" Paalam ko kay ate na nasa banyo pa rin.
"Sige lang. Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw naman niya pabalik. "Kunin mo yung resibo sa ref."
Gusto ko sanang tanungin if 'di ba nalamigan yung resibo but sobrang corny kaya no thanks.
At dahil bahala raw ako sa buhay ko, kinuha ko na yung resibo at nagmadali akong umalis sa bahay. Nag-tricycle na rin ako dahil nakita kong matagal pa bago mapuno yung bagong jeep.
Sa totoo lang, hindi ko alam bat ko ginagawa ito. So what if naka-orange ako? Iisipin lang naman ni Josef na nagsuot ako ng orange na damit para sa kanya. Para akalain niyang gusto kong ma-determine if isa ako sa mga tunay na magaganda kahit pampreso yung kulay ng damit ko.
Ugh. Nope. Hindi pwede.
"Eto po bayad," sabay abot ko sa driver ng trike.
Napailing ako sa rason ko. Ginagawa ko ito para kay ate, para hindi siya mapagod. Tama. Yun nga.
Pumasok na ako at didiretso na sana ako sa counter nang may marinig akong boses.
"Paano nagkalat yung spaghetti sa bed sheet ko? Ano yun? Habang kumakain kayo, pinapakain niyo rin yung kama ko?" Tuloy-tuloy na tanong nung boses.
Sheet. Please, 'wag sana siya iyon.
Agad akong nagtago sa likod ng mga washing machine. Sumilip ako ng konti at naging tama yung hinala ko.
Ganun pa rin naman yung mukha niya pero ang kaibahan lang ay may suot siyang salamin. May dala siyang plastic na may mga bed sheets nga tapos nakatingin siya sa kasama niya.
At kung hindi ba naman talaga ako minamalas, naka-orange rin siyang shirt. Yung kaibahan lang ay may nakasulat dito ng "Diamonds are a girl's best friend!"
BINABASA MO ANG
Failed-ibig ✔
RomanceIn a world where love is something we seek to believe in, will we also get this chance in a lifetime or are we just doomed to fail in love?