DIECIOCHO
"Mama, si Josef po, anak ng boss ko. Josef, si Mama," pagpapakilala ko sa kanila.
Tumingin naman sa puntod si Josef at kumaway. "Hi po! Happy birthday!"
Nahalata kong hindi siya tumitigil kaya ibinaba ko yung kamay niya.
"'Di yan sasagot," I said.
Sumimangot naman siya sa akin bago ibalik ang tingin sa puntod ni Mama. Ang puntod niya na ngayon ay may isang bouquet ng bulaklak. Napangiti ako nang may nakita pa akong kandila at tatlong sunflower. Sigurado akong galing iyon kay papa.
"Mawalang-galang na ho, ah? Pero bakit ang sungit po ng anak niyo?" Rinig kong tanong nito kay Mama.
Hinampas ko naman ang tiyan nito at umiling. "Magsumbong ka lang, sige."
"O 'di ba po? Pinipisikal niya po lahat. Masungit na, tapos ang bigat pa po ng kamay. Bat 'di po siya nagmana sa inyo?" he asked na para bang kilala niya si Mama.
Natawa naman ako sa sinabi nito. "Kung sumagot lang yan si mama, sasabihin niya sa'yo na bagay mo."
At totoo naman yun. Nung buhay pa siya, si mama talaga yung mainitin yung ulo. Nagmana ako sa kanya. Si papa yung laging kalmado pero loko-loko, parang si ate.
Minsan pa nga nung kumain kami sa labas, si mama yung nakipag-away sa manager dahil lang sa sinabi ni papa na gutom na siya. Naaalala ko pa ngang binulong sa akin ni papa nun na yun daw ang lesson na dapat 'wag na 'wag nang magreklamo 'pag naririnig ni mama.
Biglang may tumunog na cellphone at alam kong hindi ko ringtone ang closing song ng powerpuff girls kaya sigurado akong kay Josef iyon.
"Ay teka, sagutin ko lang po 'to," paalam niya.
"Sige lang," sabi ko sa kanya.
"Kay tita ako nagpapaalam noh."
Bwisit. "Oo na."
Tumawa lang siya tapos lumayo na para sagutin yung tawag.
Nang kalayo niya, lumuhod na ako sa damo at tinignan ang pangalan ni mama.
Emelinda C. Liangco ang nasa gitna then, sa baba nito ay yung mga taon. Ang ipinalagay namin sa baba pa nun ay yung sinabi niya sa amin bago pa man siya nawala.
"Found my way home," ang bulong niya nun sa amin. Nahihirapan na siyang magsalita nun pero sinabi niya iyon daw ang nararamdaman niya kaya 'wag na raw kaming malungkot.
"Hi, mama," bati ko tapos inayos yung mga bulaklak. "Happy birthday po. 'Di na po ako nakapunta ngayon sa bakery na lagi mong pinagbibilhan, nagsarado na raw po eh. Sorry mama, wala munang yema cake. Pero sabi nila masarap daw 'tong nabili ko."
Then I stopped talking. Basta ang naisip ko na lang ay sobrang mahal ko si mama kaya doon ko tinapos.
"I love you, ma," I whispered tapos tumayo na ulit habang buhat-buhat na yung cake.
Sakto naman ang pagdating ni Josef na parang nagtataka.
"Hindi ka naiyak?" he asked.
"One, you cry for the ones you've lost. Two, you cry for the ones that you felt, were lost. Three, you cry when you are or get lost."
He opened his mouth to speak nang unahan ko siya, "So, none of the above since she's still here."
Dahil dun sa sinabi ko, ngumiti lang siya. "Lalim. 'Di ko mareach."
Inirapan ko siya. "Heh."
After that, nagtricycle na kami dahil masakit na rin naman ang mga paa namin kakalakad. Josef insisted na una na akong ihatid nung tricycle since hindi raw masarap yung cake 'pag mainit na. Sabi ko pa nga na ilalagay ko na lang sa ref pero wala, mapilit talaga.
BINABASA MO ANG
Failed-ibig ✔
RomanceIn a world where love is something we seek to believe in, will we also get this chance in a lifetime or are we just doomed to fail in love?