DOCE
"Ate Dada? Oh my, thank you nakita kita!"
Napatigil ako nang biglang may humawak sa braso ko. Lumingon ako sa kanya tas nakita si Jaila. Nandito ako ngayon sa book store at hapon pa lang.
Lunes na ngayon at isang araw na ang pagitan nang makausap ko siya. Simula ng week na ito, nagpalit kami ng shift ni Gail.
Mukhang nagbreak na sila ng boyfriend niya kaya ayaw na raw niyang nag-iisip sa gabi. Mas maganda raw na nauubos niya yung energy niya sa pagtatrabaho. Humindi naman ako dahil kahit ano namang gawin niya, maiisip niya yun kung iisipin niya. Pero kamuntikan pa siyang lumuhod sa harapan ko kaya pumayag na rin ako.
Kaya ngayon, bininili ko na lahat ng mga librong kakailanganin ko para mag-aral sa umaga. Para hindi na lang ako pabalik-balik sa library.
"Jaila? Musta?" Tanong ko.
Ngumiti siya sa akin tapos nawala rin yun kaagad. "Ate, alam ko sobra itong hihilingin ko pero can you give this to kuya? Kanina pa kasi ako tumatawag kaso walang sumasagot."
May inabot siyang envelope at sasabihin ko sana na hindi ko na siya nakikita nang matagal. Hindi ako agad nakapagsalita dahil nakita kong parang nag-aalala siya kaso wala siyang magawa.
"Nasa apartment ata siya ngayon kaso I can't go there kasi may pinapadala pa kay Kuya Jerrald. Ginawa akong messenger ng mama ko," sambit niya tapos kinamot ang batok. "Okay lang ate if ayaw mo--"
Pinutol ko siya at kinuha na kaagad, "Sige. Ako na."
Mukhang problemadong-problemado na siya kaya hindi na ako maka-hindi. Tatawagan ko na lang si Josef at itatanong kung nasaan siya. Aabot ko lang naman, simple as that.
"Ang bait mo sobra, Ate! Promise babawi ako sa'yo," she exclaimed tapos kulang na lang ay yakapin niya ako. "O sige, una na ako. Ingat ka, Ate. Salamat."
At parang bula, bigla siyang nawala. Hindi na nga ako nakapagpaalam pabalik sa kanya dahil nakaalis na siya kaagad.
Napatingin ako sa envelope na hawak ko. Pinagpasyahan kong bayaran na muna yung mga libro bago tawagan si Josef.
"493 pesos," sambit nung babae kaya nag-abot ako ng limang daan.
Ngumiti lang siya tapos ibinigay ang sukli ko.
"Hay... Parang bumabait na 'ko," bulong ko sa sarili habang nilalagay yung pera sa bag ko.
"Ano po yun?" Tanong sa akin ng babae. Mukhang narinig niya ako.
Tinignan ko siya. "Sampalin mo nga ako."
Nanlaki naman ang mga mata niya tapos napaatras nang konti. "Ano ho? Okay lang po kayo?"
Kung siguro nangyare ito dati, iirapan ko itong babae at sasabihin na wala siyang pakielam sa mga bagay na hindi nakakaapekto sa buhay niya.
May parte pa rin sa utak ko na gawin ko dapat yun kaso parang may pumipigil sa akin.
"Wala wala," sabi ko tapos umiling. Lumabas na ako kaagad sa book store bago pa ako pagkamalang baliw nung babae. Baka tawagan pa niya yung mental para sunduin ako.
Kalabas ko ay agad kong kinuha yung cellphone ko at hindi na nag-isip pa bago tawagan si Josef.
Tatlong ring bago niya ito sinagot ng "Hello? Sino po sila?"
Tumikhim ako bago sumagot, "Um, Josef? May pinapabigay na envelope sa'yo. Nasa akin... Nasaan ka? Bigay ko sa'yo."
Silence, then, "Punta na lang ako sa store."
BINABASA MO ANG
Failed-ibig ✔
RomanceIn a world where love is something we seek to believe in, will we also get this chance in a lifetime or are we just doomed to fail in love?