Tres

8.7K 283 17
                                    

TRES

Pumili ako ng kanta mula sa computer pero wala akong mapili kaya kinlick ko yung shuffle. Agad namang tumugtog sa buong store yung kanta kaso medyo mahina kaya pumunta muna ako sa office dahil nandoon ang volume ng speakers.

Karating ko doon, napatigil ako nang nawalan ng music na tumutugtog.

"Napatay ko ba?" Tanong ko at tinignan yung ilaw na maliit. "Oh, bukas naman."

Titignan ko pa sana yung sa baba kung natanggal yung wire nang biglang may tumugtog na ibang kanta.

Kung kanina mga rock songs tumutugtog, ngayon parang mga kanta na ipinapatugtog sa kasal ganon. Kinabahan ako dahil wala naman akong kasama pero tumakbo pa rin ako papunta sa harapan.

Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ang lalaking laging gumagambala sa buhay ko this past few days.

Tumingin siya sa akin habang hawak-hawak yung mouse ng computer. Biglang may sumilay na ngiti sa labi niya kaya hindi ko alam kung maiinis ako o tititigan ko na lang siya habambuhay.

"O? Ano balak mo diyan?" Irita kong tanong at lumapit kay Josef Jeth.

Wala akong alam sa mga gusto niyang mangyare kahapon kaya hindi ko rin alam kung anong ginagawa niya dito ngayon.

Napagtanto ko rin na baka siya yung pinag-uusapan ng mga babae noon. Hindi ko lang masigurado kasi parang ayaw tumugma ng mga paratang nila sa kanya.

Pero at least, nalaman kong successful ang paglakas ko dun sa volume ng speakers.

"Pinapalitan yung kantang pang-rockstar," sagot niya na para bang normal lang na pumunta sa counter ng isang store para palitan ang song. "Ayaw ng mga taong bumili ng pagkain 'pag nabibingi na sila."

May point siya pero hindi ko pinahalata o sinabi sa kanya na nakuha ko ang sinasabi niya.

"Kailan ka pa andito?" Pag-iiba ko dahil wala naman akong kasama kanina dito sa store.

"Nung unang beses mong nasilayan ang aking kagwapuhan, kakalipat ko lang diyan sa may–"

Agad ko siyang pinutol, "I mean, pano ka nakapasok?"

"Binuksan ko yung pintuan tas naglakad ako papasok," turo niya doon sa pintuan.

Hay nako.

'Di ko napigilan ang sarili ko kaya tinama ko na siya, "Pinto yun."

"Ha?"

"Pinto yung door mismo, pintuan yung san mo nilalagay yung pinto," paglilinaw ko.

Hindi ko rin makita yung dahilan sa isip ko kung bat kailangan ko pa siyang itama. Bat ko pa nga ba inexplain yun dahil for sure wala naman siyang pake sa pinagkaiba ng pinto at pintuan.

Nagulat ako nang tumango-tango siya sabay sabing, "Weh, Ms. Dada? Naks salamat. Wala man sinabing ganyan filipino teacher ko noon. Huntingin ko yun eh."

Hindi na ako nagulat na OA siya. Kaya yung gulat ko ay hindi lang galing doon sa pasasalamat niya kundi sa pagkaalam niya ng pangalan ko.

Pinili kong hindi na lang sumagot at lumapit na sa kanya para itulak siya palabas ng counter. 'Di naman niya ako pinigilan at parang natutuwa pa sa nangyayareng tulakan.

May natamaan siyang isang stand kaya nagsihulugan ang mga gamit doon. Dahil sa wala naman mangyayare if magreklamo ako at ayaw ko na ring magsalita, agad na akong namulot.

"Anong pangalan mo? Imposibleng Dada lang..." Panimula niya tapos tinuloy, "Miranda? Amanda? Lianda? Avocada? Tanda? Wanda? Handa? Maganda? Oh... Maganda siguro."

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon