TREINTA Y NUEVE
"Nagtext si Gail, wala ka pa rin daw balak magtrabaho?" Rinig kong tanong ni Ate Esmie.
Tinignan ko siya tapos umiling. Agad din akong umiwas tapos itinuon yung pansin sa phone ko. Narinig kong lumabas na rin siya ng kwarto.
Nakita kong lumitaw na yung horoscope ko para sa araw na ito.
Binasa ko yung para sa akin, "Not everyone is meant to be with you. You need to learn that they may be the lessons that were just there to teach you in life."
Napatawa ako nang mapait dahil doon. Ito lang yung horoscope kong tumama sa akin this year.
Kasi tama nga naman, hindi lahat magse-stay. And... Unfortunately, I was the one who chose this. Maybe walang rason bat nangyayare 'to.
Nilagay ko sa kama yung phone at tinignan yung family picture naming lahat. Yung buo pa kami.
Actually when I think deeply, wala talaga. I'm just making up reasons. I'm just creating something to blame with. I didn't want to blame myself so I always end up blaming love.
Love did not hurt me. It cannot hurt me. Feelings are the reason it existed, so it can never break me. The ones I love are the one who can. And I'll let them, of course. That's how I know that I loved with all my heart.
Then I've decided.
Kinuha ko yung cellphone ko at nagtype para itext si Josef. Basta ang sinabi ko ay puntahan niya ako kung gusto niya pa akong makausap.
It's been one week and a half nang taguan ko siya. Mostly the first week ay para dun sa burol ni Mawmaw pero hindi naman siya manhid lalo na kapag tinatry niyang kausapin ako, hindi ko siya kinikibuan.
Marami na ang mga nangyaring hindi naman mababalik pero wala naman akong magagawa. What's done is done.
Lumabas na ako tapos kumuha ng payong sa may lalagyan. 12 AM na at wala ng masyadong tao sa daan. Mukhang bubuhos yung ulan ngayon dahil narinig ko rin naman ito kanina sa radyo.
May paparating daw na bagyo.
Pumunta na ako sa store at nang makarating na ako doon, dun ko pa lang pinindot yung send para mapadala yung text.
Nagstay lang ako doon sa labas ng store at pinanood yung ibang babaeng nasa loob ngayon ng store. Siguro siya yung bagong palit para sa shift ko dahil hindi naman kaya ni Gail na siya lagi.
"Dada!" Hinihingal na tawag sa akin ni Josef.
But... Here is my storm that I can never weather.
Patakbo siyang papunta sa akin. Ngayon ko lang napansin na malapit nga talaga yung apartment niya rito sa store kasi agad siyang nakarating. Mukha ngang napawisan pa siya pero hindi ko naman makikita dahil lumilintik na.
Parang nagiging déjà vu.
Kinuha ko yung payong na dala ko at lumapit ako sa kanya para payungan siya.
"Ganito yung mga gusto mong scenes sa movie 'di ba?" bulong ko tapos kinuha yung isang kamay niya para ipahawak sa kanya yung payong.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya para humigpit din ang pagkakahawak niya. Nang masiguro ko nang maayos niya nang hawakan ang payong, lumabas ako sa mula sa silong.
Doon ko naramdaman kung gaano kalamig yung ulan na bumubuhos.
Mukhang nagulat siya sa ginawa ko at agad na gumalaw para payungan ako nang lumayo ulit ako.
I took a step back.
Umiling ako sa kanya at ngumiti. "'Wag kang gagalaw," bawal ko.
Tapos napansin kong ibababa na rin sana niya ang payong pero umiling ulit ako.
BINABASA MO ANG
Failed-ibig ✔
RomanceIn a world where love is something we seek to believe in, will we also get this chance in a lifetime or are we just doomed to fail in love?