sinong nakamiss sa kanila?
ako... namiss ko sila.
sana kayo rin ;>***
SPECIAL CHAPTER
"Siya 'yung sinasabi ko na ang aga-aga nagkapamilya..."
Naku. Nagpaparinig na naman 'yung mga babae na nag-uusap malapit sa 'min.
"Oo nga. Ganyan talaga ngayon. Mapusok ang mga kabataan," sagot naman nung isa.
Akala ba nila soundproof ang daan?!
Mapusok? Ano raw?! Ako, umuusok tenga ko sa mga pinagsasasabi nila.
Kinukuha ko lang ang mga nakasablay na damit sa labas, gano'n pa maririnig ko. Nagtama pa ang mga mata namin nung isang babae... si Marissa. Siya 'yung nakatira sa harapan namin na mukhang mas matanda sa akin.
Nakita ko pa siyang umiling na parang disappointed bago nagpaalam sa kausap tapos pumasok sa bahay nila.
Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili ko. Kaso naasar lang ako lalo kaya padabog ko na kinuha 'yung ibang natirang damit.
"Sef!" tawag ko sa asawa ko.
Tumaas ang tingin niya mula sa laptop tapos sa akin.
Si Sef na 'yung namamahala sa mga restaurants nila. Nagpatayo na rin siya ng iilang hotel malapit do'n sa mga kainan kaya mas naging busy siya ngayon. Buti na lang ay inuna naming ipatayo 'yung bahay kaya agad na kaming nakalipat bago matapos ang bakasyon ng mga bata.
Then, ako naman 'yung namahala sa mga convenience stores nila. In the end, I've realized na naattach ako sa StopNShop. Masyado rin kasing maraming naganap sa buhay ko rito kaya mas pinahalagahan ko ang mga 'to. Before rin naman ako nagdesisyon noon na tumigil muna sa pag-aaral para kumita ng pera, wala naman talaga akong definite na pangarap.
"Ba't gagalet agad, maganda kong Dada? Aga-aga pa, sira na nga araw mo?"
Binaba ko muna 'yung mga damit sa sofa bago lumapit sa kanya.
"Malapit ko na talagang sakalin 'yung maldita sa harap! Mahal mo pa rin naman ako kahit makukulong ako, 'di ba?"
Natawa siya sabay iling sa reaksyon ko. Totoo naman kasi. Umaga pa lang, galit na ako. Sino ba namang hindi magagalit?!
"Si Marissa? Di pwede," sabay tayo niya para makaharap ako nang maayos, "'Yung anak niyang si Daphne, crush ni Mau."
Daphne pala talaga pangalan nung batang babae. Madalas ko nakikita 'yon na nagba-bike sa harapan ng bahay nila. Minsan ay scooter din. Cute naman siya at 'yung ngiti niya. Ang negative lang sa kanya ay 'yung Mama niya.
"Tigilan mo ako sa crush-crush na 'yan. Ang bata pa nila," reklamo ko.
"Asus, ikaw nga crush na crush mo ako no'n eh. Hayaan mo anak mo."
Iniba ko ang topic at ibinalik sa issue ko kanina. "Nasa treinta na edad ko. Ba't ba pilit pinagkakalat ng babaeng 'yon na batang ina ako?"
He chuckled. "Ayaw mo 'yon?! Compliment 'yon! Ibig sabihin, baby face ka..."
"Isa!"
Nasanay yata ako sa pambabawal na gano'n sa mga bata kaya nagawa ko rin sa kanya.
"Masyado rin siguro akong mukhang teenager kaya ayan. Sorry, babe."
"Dalawa!" sigaw ko pa. Hindi ko nga alam para sa'n ang pagbilang ko.
"Tatlo! Marunong din ako magbilang, noh. 'kala mo ha?"
BINABASA MO ANG
Failed-ibig ✔
RomanceIn a world where love is something we seek to believe in, will we also get this chance in a lifetime or are we just doomed to fail in love?