Prologue

5.2K 128 1
                                    







Humahangos siyang tumakbo papuntang kuwarto ng kanyang anak,muntik muntikan pa syang mahulog sa hagdan sa labis na pagmamadali.

Agad niyang binalya pabukas ang pinto ng kuwarto ng kanyang walong taong gulang na anak. Ang kanyang unica hija.

"Hi mama ,asan po si papa? bakit po kayo nagmamadali?"inosenteng tanong ng bata.

"We have to hurry anak.. Pack your things were leaving."aniya habang walang tigil sa pagtulo ng kanyang mga luha.

"Mama bakit po kayo umiiyak nasaan po si papa?"ulit na tanong. Nangungusap ang mapupungay nitong mga mata..

Lalo lamang lumakas ang pag iyak nya.
"your papa's gone,pinatay nila ang papa mo..at pag hindi tayo nagmadali isusunod nila tayo".aniya habang walang tigil sa paglalagay ng mga gamit sa kanilang bag.

"Ano p-po sabi nyo p-patay na ang papa ko?"awtimatikong tumulo ang mga luha sa mata ng bata.Niyakap sya ng kanyang ina at pilit na kinakalma.
"Anak mahirap paniwalaan pero kailangan nating tanggapin,at pag hindi tayo nagmadali papatayin din nila tayo.".luhaang aniya.

"Sino po pumatay kay papa mama at sino papatay sa atin...?

"Saka na mga tanOng---"

Hindi na nya natuloy ang sasabihin nang makarinig sya ng mga sasakyang paparating.

"Oh my God!andito na sila
you have to hide anak!"tarantang aniya sabay hila sa bata papuntang bookshelves sa my sulok ng kwarto.

May kuNg ano syang kinalikot dun at awtomatiko na yung bumukas.Itinulak nya papasok ang kanyang anak na walang tigil sa pag iyak.

"mama halika na po dito magtago na tayo."

Malungkot syang ngumiti at hinaplos ang pisngi ng kanyang pinakamamahal na anak."no baby,ayoko pang madamay ka dito,you have to live.Here take this with you"sabay abot ng bagpack sa bata.Naglalaman ng mga damit at pera na kanyang winidraw sa bangko bago pa man sya nkarating dito sa kanilang mansion

.
Hinalikan nya ito sa noo.
"don't make any noise they might find you here,kailangan mong mabuhay para sa amin ng papa mo.Mabuhay ka anak.."humahagulgol na sabi nya sa anak.Isinara na nito ang shelves.Lalabas na sana sya ng kwarto Nang bgla bumukas ang pinto at pumasok ang taong yun.

"Any last words Amanda?"mala demonyo ang ngisi nito.

"Go to hell..."mahina ngunit madiing sambit nya.

"Hahahahaha goodbye Amanda ikumusta mo nalang ako sa iyong asawang traydor."sabay tutok sa kanya ng baril at pinaputok.

Naramdaman nya ang sakit na gumuhit sa kanyang dibdib habang dumadaloy ang dugo mula roon...



Habang patuloy ring dumadaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.










Author's note:

Grammatical errors(,check)
Wrong spellings(check)

That Geek is MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon