jam's note:
,sorry po sa napakatagal na update..bear with me guys..with or without readers tatapusin ko po ang kwento..salamat po! :-)
geek 31: shoes. . .
Jamzel's
"what is this commotion all about?" - sabi ng malamyos na tinig mula sa puno ng hagdan.
Parang iisang taong napabaling ang lahat ng ulo sa direksyon ng pinanggalingan ng tinig.
Isang matandang babae ang namataan kong mabilis na inalalayan ng mga tiyuhin ni Ice pababa ng hagdan.
Napabaling ang tingin ng matanda sa amin ni Ice,partikular sa kamay nitong katabi ko na nakapulupot pa rin pala sa bewang ko.
May dumaang kakaibang kislap sa mata ng matanda. Hindi ko matukoy kung gusto ba nya ang nakikita o ano.
Pasimple kong inalis ang kamay ni Ice na nakapulupot pa rin. Pero nabigo akong baklasin ito,bagkos lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahapit at iginiya nya ako patungo sa direksyon ng matanda.
"How have you been,granny?" -masuyong tanong ni Ice. .
"I'm good. Who's with you,hijo?" bakas ang pagtataka sa mukha nito.
"This is Jamzel gran,my girlfriend." mabilis na sagot ni Ice sa matanda.
"oh,girlfriend. Nice to finally meet you hija.." sabi ng matanda sa akin sabay magaang niyakap at hinalikan sa aking pisngi.
Bakit parang..? never mind!
Matapos ang magulong pagpapakilala sa akin ni Ice sa mga kalahi nya ay nagpunta na kami sa kanilang napakaluwang na garden..
Hindi talaga matapos-tapos ang pagkamangha ko sa lugar na ito..Biruin mong iba pa pala ang ang garden na dinaanan namin sa harap at iba rin dito sa likod.
Nagsimula na ang kasiyahan nang unti- unti na ring nagsidatingan ang iba pa nilang mga kaanak.
Iba ang dipinisyon nila ng kasiyahan dito..Kahit nagkakatuwaan na sila nanatili pa rin ang kapormalan.. with class kung baga. Halatang nabibilang sa alta sosyedad.
Nakamasid Lang ako dito sa table namin ni Ice,naiwan akong mag-isa dito dahil pinagtulungan nilang hinila palayo si Ice sa akin.
Ayos lang din naman sa akin since alam kong kelangan din naman makipag mingle ni Ice sa iba nilang kamag-anak.Pilit din nila along sinasama pero ako na ang tumanggi at nagdahilang masakit na ang mga paa ko,na siya namang totoo. Di kasi talaga ako sanay nang nakaheels..
"hi." someone approach me from my left side.
Bumaling ako nang tngin dun at natagpuan ko ang isa sa pinsan ni Ice kapre.
Maganda siya at matangkad. Sobrang kinis din ng balat at maamo ang mukha. Parang gusto kong mainggit sa kagandahan nya pero naisip ko wag na lang.
"Hello, Judeah right?" Ngiti ko rin sa kanya.
"Right. I hope you dont mind me sitting here?" She said politely and I just nod in response.
"You know I'm happy for you and Ice." she said and flash her brightest smile.
Para akong nasilaw sa ngiti nya.chos! She's really pretty.
"Where is he?" She asked.
Parang gusto kong damputin ang tissue sa ibabaw ng table at isalaksak sa dalawang butas ng ilong Ko.
BINABASA MO ANG
That Geek is MINE!
HumorShe's a nobody .. but smart. She's a loner..simply beautiful She's a nerd... She's a geek.. And she's Jamzel Rios.. He's gorgeously h...