geek 11: Crush..

1.9K 75 7
                                    

Jamzel's

"Beeeezzz!!!"

Hay heto nanaman po ang wangwang ng buhay ko.

"Oh?" Agad Kong tanong sa kanya.

"Anong eksena nyo ni fafa Ice Rave Fontanilla kanina sa caf ha?ayiee!"

Niyugyog nanaman ako ng babaeng ito.Para bang maghihiwalay na ng pandas ang ulo at katawan ko.

Tinampal ko ang kamay nya at umatras para makalayo sa kaaningan nya.

"Pwede ba Allen tigilan mo ako sa kabrutalan mo!At siguradong alam mo na ang nangyari kanina sa amin kaya wag ka nang umarte na parang walang alam jan!"

"Hihihi kaw naman bez baka lang kako magkukusa kang magkwento."

Tingnan ko lang sya ng matalim at nagpatuloy lang sa pagsasalansan ng mga libro.Andito Kami ngayon sa library at parang walang paki tong isa kung napakaingay nya..hay naku!

"Ayiee!bez pansin ko lang lagi kayong pinagtatagpo noh?hindi kaya soulmate kayo?kyaaahhh!ang swerte mo girl!"

"Pano naman ako naging swerte sa kanya eh hari ng mga maligno yon?" inis kong wika.

Nagpout lang sya sa akin.
"Grabe ka bez sa kanya.Lagi kayong nagbabangayan,ngayon lang kita nakitang pumatol sa pang aasar sayo dati naman dedma ka lang at walang pakialam sa paligid mo.Hindi kaya...???"

Bumaling ako sa kanya at kinunutan ng noo.

"Hindi kaya ano?pabitin ka pa eh."

"Crush mo sya!kyaaahhhh!!"

Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya.

"Ano?!"

"You heard me bez crush mo na sya." kumpyansang sabi nito.

"Heck no!" Asik ko sa kanya.

Nagpout nanaman sya.
"Eh kasi lagi kayo pinagtatagpo at sya lang bukod sa akin ang kinakausap mo ng matagal dito sa skul bukod sa akin."

"Pwede Allena wag mo na ulit sasabihin sa akin yan.Hindi ko sya crush,at wala akong balak magkagusto sa kanya.period!"

"Eh kasi --"

"Stop it.Case close."

"Baka naman sya pala ang may gusto sayo bez.?Lagi kasi syang andun sa lugar kung asan ka.Stalker mo sya!"

"Hay naku Allen shut up na ok.Malabo pa sa malabo ang mga pinagsasabi mo."

"Eh kasi naman eh!" Nagpapadyak pa itong parang bata.

"Tapos na ako dito tara na." Sabi ko at naglakad na palabas.Nakangusong sumunod naman sya sa akin.

***

"Baby girl may tumatawag!Baby girl may tatawag!Baby girl my tumatawag!

Kunot noo akong napatingin sa bag ko.Parang naririnig ko ang boses ni tito mula dun.

Baby girl may tumatawag!baby girl ma----

Nanlaki ang mata ko at agad kinuha ang cellphone ko.At tama ako akin nga ang nag-iingay na cp.Hay naku naman ginawang ringtones ng cp ko ang nirecord ni tito.

baliw talaga!

Napapailing na lang ako sa kalokohan ng tito ko.

Si tita Thea pala tumatawag.

"Hello tita?" Sagot ko sa tawag.

"Hello Jamjam magkita tayo mamaya sa bar kung san ka nagtatrabaho.We need to discuss something."

"Ok tita,tungkol po ba saan?" Tanong ko pero may hinala na ako kung tungkol saan ang pag-uusapan namin.

"It's about THAT group.Kelangan na din nating kumilos."

"Sure tita.Nasasabik na akong makaharap ang taong yun".

"Ok see you later."

"By---"

"Oh by the way,ano tong sinasabi ng ungas mong tiyuhin na may crush ka daw sa skul nyo?"

"Tita pati ba naman kayo nakiki-crush na din?!"

"I'm not against it dear your old enough.Is he gorgeous enough for you?oh!I want to meet him!"

"Tita wala akong crush!Period!"

"What's his name?Nakausap ni TOTSilog kanina si Allena,she mention the guy.Hmmm what's his name again?Rice?Dice?Mice?"

".Hindi.ko.sya.crush."

"Ahah!it's Ice!cool name!"

"Aishh!!!" Napapadyak ako sa sobrang inis.

"Hey ok lang - --"

"Hindi ko crush si Ice Rave Fontanilla!!!!what's with that crush thingy!so childish.bye!!!"

Di ko na napigilang sumigaw ang kulit nila talaga.

Lagot sa akin ang Allen na yun pahamak.

Pagbaling ko sa likod ko halos himatayin ako sa gulat.Nakatayo malapit sa akin ang lalaking pinipilit nilang "crush" ko daw.

Blangko ang mukhang nakatingin sya sa akin.

Tumiim ang bagang nya at nagsalita.

"So hindi mo ako crush?"

Napamaang ako sa tanong nya.Pati ba naman ang ungas na to nakikicrush na din?!

"Ha?"

"Hindi mo ako crush?"
Ulit nito habang lumalapit.

"Haahh??" wala akong masabi kundi yung salitang yan.

"Di mo ako crush,so it means you dont like me?"
Tiim bagang nyang tanong.

"Haahh?" Napapamaang na lang ako sa kanya.

"Wala ka bang ibang sasabihin kundi yan?!Damn!"

"Anong gusto mong sabihin ko?!"

"Just answer my fuckin question!"

"Yes!hindi nga kita crush!satisfied?" I blurted out.

Tumango-tango ito.Hurt is visible in his dark eyes.

Tumitig sya sa mga mata ko.Para akong nahihigop ng mga mata nyang puno ng sakit..or maybe not.Bat naman sya masasaktan sa sinabi ko eh magkaaway Kami.









"Okay." Sabi nito sabay walkout.

Pinanuod ko lang sya palayo hanggang sa hindi ko na sya matanaw.






---jam

That Geek is MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon