Jamzel's
Busy ako sa pagkuha ng order ng mga costumer dito sa pinagtatrabahuan kung restobar nang mamataan ko si Tita papasok.
Napaalam ako sa visor namin na magbreak muna.Sinadya ko talagang di muna magbreak kanina para sa pag-uusap namin ni tita.
"Tita tara dun na lang tayo sa taas mag-usap." salubong ko agad sa kanya.
Tumango lamang ito at sumunod sa akin.
"Bakit ka pinayagan magtrabaho ng abnormal mong tito sa ganitong lugar?" inis na sabi nya sa akin habang patungo sa isang kwarto sa taas..
"Ayaw din sana ni Tito kaya lang ako ang nagpumilit sa kanyang magtrabaho ako dito kaya wala na din sya nagawa kundi pagbigyan ako." mahabang paliwanag nya.
Totoong mahabang pilitan pa ang nangyari bago ko napapayag si Tito Tots na magtrabaho ako.
Tinulak ko na papasok si tita.Isang videoke room ang piasok namin.
Nakasunod naman sa amin ang pagkain na kanina ko pa inorder..
"Salamat Kuya Bert." sabi ko sa kasamahan kong naghatid ng pagkain..
Sumaludo lang ito at walang imik na lumabas.
"Kumain na tayo tita habang nag-uusap."
"Sige pero gusto ko lang ipauna na sayo Jamzel na hindi kita papayagang makipaglaban sa underground."
Natigilan ako sa akmang pagsubo."pero tita napag-usapan na natin ito diba?"
"Sa pakakatanda ko hindi ako pumayag sa gusto mo.And still,I won't agree with you." mariin nitong sabi.
Tuluyan ko nang itinigil ang pagkain ko.
"Pero pano natin matutunton ang mga taong yun kung di ako sasali sa fight?wala ka ba tiwala sa kakayahan ko tita?" may hinanakit na naisatinig niya dito.
"It's not that Jamjam..I can't take the risk,ayoko nang mawalan ng mahal sa buhay..Idinulog ko na ang kasong ito sa nakakataas at nangako silang tutulungan tayo."
"How can you be so sure na hindi tayo ipagkakanulo ng mga taong sinasabi mo tita?" duda kong sabi sa kanya.
"Trust me on this my niece.Actually nakakuha na kami ng asset para sa pagsali sa underground.May tiwala akong kaya nyang manalo sa fight at matutulungan nya tayo ng malaki sa laban natin na ito."
Napabuntong hininga na lang ako at tumango.Wala na akong magagawa pa plantsado na pala lahat ng plano nila..
"Sige po tita kung yan po ang gusto nyo,pero ang hiling ko lang po sabihin nyo sa akin lahat ng development." sumuskong sabi ko sa kanya.
Agad namang nagliwanag ang mukha nya na tila nabunutan ng tinik sa dibdib..
"Oo naman sayo sayo ako una magrereport.Thank you Jamjam at naunawaan mo at di mo na ako pinahirapan sa pagkumbinsi sayo."
"I understand tita.Let's eat?" masigla ko nang sabi sa kanya.
"Sure!" hyper na sigaw nito.
*°*°*°*
Natapos din agad ang usapan namin ni tita.Disappointed ako dahil hindi ako ang isasali nya sa underground fight na yun pero somehow deep inside of me was relived kasi di ko din alam sa sarili ko kung sapat na ba ang kakayahan ko para lumaban..
BINABASA MO ANG
That Geek is MINE!
HumorShe's a nobody .. but smart. She's a loner..simply beautiful She's a nerd... She's a geek.. And she's Jamzel Rios.. He's gorgeously h...