geek 19: auction/bidding

1.7K 77 7
                                    

Jamzel's

Naasar akong bumalik sa table namin ni Allena,habang hindi mawaglit sa isip ko ang pinag-usapan namin ng Ice na yun.Ngayon lang pumasok sa kukote ko na pinagsamantalahan nya ang mga labi ko!Nakarami sya ng halik sa akin.!

"Aargghhh!!!!" akma kong sasabunutan ang sarili kong mga buhok ng maisip kong nakaayos pala ito..Hayyy..


Padarag akong umupo sa tabi ng bestfriend kong kay sarap ng kain.Hawak hawak pa nito ang isang hita ng manok at pilit pa ding nginangabngab kahit wala na itong laman.


"Hoy maawa ka naman dyan sa kinakain mo.Wala nang laman oh." Sita ko sa kanya.

Nilingon sya nito at matamang tiningnan.


"Gusto kong ibigay nya sa akin lahat ng meron sya..Hindi man sya magkusa,pipilitin ko pa rin hanggang bumigay sya." seryosong sabi nya sa akin.


"Wag mo nang ipilit kung wala nang maibibigay.Kahit gusto mo pa kung hindi na nya kaya,magparaya ka na." seryoso ko ding sagot sa kanya.


Nagkatitigan kame at sabay bumulalas ng...

"HUGOWT!!!" at sabay kaming nagtawanan.


"Baliw!" asar ko sa kanya.

"Hahaha! San ka ba nagsuot bestie,ang akala ko naflash ka na sa cr!"

"Ahm..may kumausap lang saglit sa akin."


"Ahh,kumain ka na ba?" Tanong nito..

"Hindi pa ng aeh kakain pa lang sana." Sagot ko naman.

"Ha?akala ko pa naman kumain ka na,burado na kasi ang lipstick mo bez kaya akala ko chumibog ka na."

Buti na lang at madilim dahil kung hindi kitang kita na sana nito ang sobrang pamumula ng pisngi ko.Nakatulong na din ang suot kong maskara para matakpan ang aking kalahating mukha.


Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina sa garden.Kung ano at kung sino ang nagbura ng aking lipstick..Ipinilig ko na lang ang aking ulo at pansamantalang kinalimutan amg nangyare para makakain ng maayos.




Tapos na ang kainan at nasa taas na din ng stage si mr.president para ianunsyo ang pagsisimula ng auction/bidding.

"Hayan na bez! Magsisimula na sino kaya makakapag takeout ng mga hot fafas tonight?.." hyper na sabi nito.

Di ko na lang sya sinagot at nagfocus na lang ako sa panonood sa stage.

"--- and now let bidding game begin!"

Matapos sabihin ng sc president ang mga katagang yun ay naghiyawan na ang mga istudyanteng naroon..


"Thank you pres.And now before we start,let's call in our ten super hot fafas!"

Hindi magkamayaw sa pagsigaw ang mga tao nang sunod-sunod nang lumabas ang mga kalalakihang i-o-auction ngayong gabi.


Naglakad ang mga ito paikot sa stage at nang matapos ay humilera na sila.Sampu nga silang lahat at wala kang itulak kabigin dahil nagkikisigan ang mga ito..

Hindi pa nga lang makita ang kanilang buong mukha dahil sa mga suot nilang mga maskara.

Pinasadahan ko silang lahat ng tingn,may hinahanap ang mga mata ko,isang pamilyar na pigura,doon natuon ang aking paningin sa ikasampong lalaki.


Kapansin-pansing sya ang pinakamatangkad sa lahat,pinakamakisig at may awtoridad ang tindig.


Tinitigan ko syang maigi,sigurado akong sya yun.Si Ice.Hindi ko sigirado kung sa akin din sya nakatingin dahil napaling ang kanyang ulo sa direksyon kung saan ako naroon.


"Ay bet!Siguradong Madaming mumulubi ngayong gabing ito!" Malakas na sabi ni Allena sa aking tabi.


"I bet on that too." payak kong sagot sa kanya.


Muli kong binalik ang aking paningin sa stage ng muling pumailinlang ang malakas na tilian ng mga tao.Nagtanggalan na pala ng mga maskara ang mga kalahok.


"Sabi ko na nga ba." Bulong ko sa akong sarili nang pagtingin ko sa ikasampong kalahok."Si Tukmol nga." Iba na kasi amg suot ng mga ito.


"Woooooww!!"

"Kyaaaaaahhhh!!"

"Oh-eehmm-ggeee!!"

"MARRY ME ICE!"

"I love you Ice!"

Mga tilian ng mga kababaihan.Pati tong katabi kong si Allen nakikitili na din.Yung iba di na napigilan ang sarili at nagtatalon na,kahit mawalan na ng poise.

"Looks like we have crowd's favorite here." Anang mc

.Lumapit pa ito kay Ice. "Let me indulge you a little folks,let's have a little chat with our crowd's favorite." Anito habang lumalapit pa sa kinaroroonan ng nakasimangot na si Ice.

"Hi there Mr. Crowd's favorite." bati nito sa kanya.
Tumango lang si Ice bilang pagtugon sa pabati nito.

Nagtilian nanaman ang mga tao,tango pa lang ang ginagawa ng tukmol nagwawala na ang crowd.

"Grabe talaga ang dating ni Fafa Ice noh bez?" untag sa akin ni Allen.


"Oo na lang."

"Di nga bez,di ka ba nagagwapuhan sa kanya? Di ka naakit sa yummylicious nyang katawan."

"Bez,kahit naman sino tanungin mo kung gwapo sya,ang isasagot ay malaking OO.Given na yun di na kelangan tanungin kasi kitang kita naman ang ebidensya." mahaba kong sabi.



"Ayiee..may tinatago ka din palang pagnanasa dyan sa katawan mo para kay fafa Ice.." tukso nito sa akin.


Nag-init nanaman ang pisngi ko sa sinabi nya.
"Bez ano ka ba,pagnanasa ka dyan!" Namumula kong sabi ko sa kanya.


"Naku bez ha.Dont me! Umamin ka na,may gusto ka kay Ice noh? Kala mo ba diko pansin ang mga titig mo sa kanya. "

"Dami mo pinapansin bez eh."

"Umamin na kkasi bez,wala namang masama eh.," tudyo pa nito sa akin.


"Oo na." Sabi kong napabuntong hininga.
Bago pa sya makapagsalita inunahan ko na.

"Crush lang naman bez,konting konti lang na pagkacrush,Kasi sabi mo nga gwapo sya.Humahanga lang naman ako katulad ng iba." Sabi kong namumula.


Napaamin ako ng di oras di lang sa bestfriend ko maging sa sarili ko.Kahit pala lamang ang nararamdaman kong inis sa tukmol na yun,may nagtatago rin pala sa loob ko na paghanga para sa kanya.


Napaigtad ako ng biglang tumili si Allen sa tabi ko.Dahilan para bumalik ang kasalukuyan sa kamalayan ko.

"Kyaaaahhh!!! I knew it!!" Patiling sabi nito.

At lalo pa akong namula nang mabatid kong halos lahat ng tao sa bulwagan ay nakatingin na sa amin,kabilang ang mga kalahok na nasa taas ng stage.

Gusto ko nang magtatakbo paalis sa lugar na to lalo pa at nakatagpo muli ng aking paningin ang mga matang matiim kung tumitig.

Tumaas ang sulok ng mga labi nito,forming his smirk.

I like you..

Bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga katagang yon.Nakaramdam ako ng galak at pangamba.Ipinilig ko ang ulo ko at ipinikit ang aking mga mata.Pagmulat ko sya ulit ang natagpuan ng mga paningin ko.


Ayoko nito..Ayoko ng nararamdaman ko..






A/N

,hi po sa mga nagbabasa nito.(kung meron man.)

Happy 2.15k reads,136votes
Happy reading!!!!!


----jam














That Geek is MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon