Jamzel's
"Why don't we try another option,aside from masquerade ball?" sabi ng president ng student counsil na si Elmer Bautista.
"Pero every year na natin ginagawa pag foundation ng school yun.Madaming students na magrereklamo pag wala yung pinakahihintay nilang event." sagot naman ng maarte naming vice pres.
Andito kami ngayon sa SC room at kasalukuyang pinagdidiskusyunan kung ano ang gaganapin sa foundation week ng school.
Hindi nanaman magkasundo ang President at ang Vice.Asusual puro pa bongga nanaman ang gusto vice namin at kinukontra naman ito ng pres.
"What can you say Jam?"
baling na tanong sa akin ng pres.Lahat ng mata nabaling sa akin at nailang naman ako lalo ng taasan ako ng kilay ng Vice pres.at ng ibang myembro na pawang mga alipores nya.
"Ahmm.." alanganin kong sagot.
"Why do we have to ask her wala din naman kwenta ang suggestion nya if ever man meron." Mataray nitong sabi sabay irap.
"Do have any idea Jamzel?" tanong ni pres.
"I told you ---"
"Shut up Victoria and learn how listen to others not only on yourself!Go on Jam let us hear you out." susog ni pres.Minsan talaga nakakatakot din magalit tong president namin kaya nga crush ko sya ng konti eh..Konti lang naman.
"Ah,why don't we try a bidding?A masquerade party plus a bidding.Everyone can bid.We can raise a fund through bidding.." kimi kong sagot.
"Hmm..pero san naman tayo kukuha ng mga bagay na ipapasubasta natin?" -pres.
"I told you wala talaga syang magandang sasabihin!"-vice victoria
Hindi na lang nya ito pinansin nagpatuloy sa sinasabi.
"Hindi naman natin kelangan ng mga gamit na ipapabid,why don't we convince our school's heartthrob?our campus prince and princesses.I'm sure madami ang kakagat na mga students lalo na kung ang premyo ay one whole day of a date all expense paid?" Mahaba kong paliwanag.
"That's a very impressive idea Jam,it's like hitting two birds in one stone.We still have the traditional masquerade party at the same time we can raise a fund.Excellent idea indeed."
masayang pahayag ni Mr.SC President."So may utak ka din naman pala nerd.But as a Vice President i want you to convince Ice Rave Fontanilla the basketball captain to participate with us."-mataray nitong sabi.
"Pero vice madami naman po tayong mga good looking students. na pwedeng isali." apela ko..Ayoko pang makausap ang tukmol na yun after ko syang asarin sa Fab nung isang gabi.
"I know right!but i want Ice to join.He's the most gorgeous guy on earth!The hottest among the hots!yaaahhhh!!!" kilig nitong sabi.
Hala napraning na.Di ko alam na ganun pala kasikat talaga ang ungas na yun.Pati si Vice na sobrang arte at taray ay pinagnanasaan sya.
"Kaya ikaw nerd make sure you convince him or else!" banta nito.
Medyo kinabahan ako dahil alam kong malakas ang kapit nya sa school,baka manganib pa ang scholarship ko.
"I'll try my best Ms.Vice Pres." napipilitan kong sabi.
"Don't just try,do it!" sabi nito bago umalis sa kwartong kinaroroonan nila..
"Ikaw na sana bahala magpasensya sa ugali ng babaeng yun."- sabi ni Bella ang treasurer ng SC at ako pala ang secretary.
"Ayos lang yun sanay na ako."
*°*°*°*
Kanina pa ako palakad-lakad sa buong campus pero hanggang ngayon di ko pa din mahanap ang Giant Tukmol na yun.Kung kelan sya kelangan at hinahanap hindi sya makita.Pero pag di kelangan bigla na lang nasulpot kung saan ako andun.
Nagpunta ako ulit sa gym baka sakaling matagpuan ko na sya Doon.
At hindi nga ako nagkamali andun nga sya hindi sya nakajersey pero may hawak pa din syang bola.
At may kasama din syang babae.Magandang babae,mahaba ang itim na buhok maiksing palda at hapit na blouse.Kaya pala pamilyar ang mukha ito pala yung sikat sa MassCom dept.4th year na at talaga namang napakaganda.Margareth Diaz.
Hindi nila ako nakita dahil nakatalikod sa gawi ko si Giant at natatakpan naman nya ang tingin ni Margareth.O baka dahil sobrang seryoso nilang nag-uusap kaya di nila
ako napansin.Patingkayad akong nagtago sa likod ng bleachers.Naririnig ko na ang usapan nila.Hindi ko alam kung bakit gusto kong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Lagi mo na lang tinatanggihan ang imbitasyon ko sayo Ice."- narinig kong nagtatampong tinig ni Margareth.
"I'm busy you know that."
"Busy saan?Sa pa i-stalk sa kanya?"
"You know the answer." flat na sagot ni Ice.
"Hindi ka pa ba nagsasawa?almost 3years mo ng ginagawa yan hanggang ngayon di ka pa din nya napapansin!" Iritang sigaw ni Margareth.
Luh?may nagugustuhan na si Tukmol?Napahawak ako sa dibdib ko.Parang may mga karayom na tinutusok paulit-ulit ang puso ko.Huminga ako ng malalim to calm myself.
"I don't care.Mind your own business." mariing sagot ni Ice.
Hanep talaga makasagot ang lalaking yun walang sinasanto kahit babaeng tulad ni Margareth di nakaligtas sa kasungitan nya.
"You know how much i love you Ice.Please akin ka na lang.Ako na lang mahalin mo." rinig kong pagmamakaawa ng babae.
"I don't give a damn."
Grabe sya ang lupeeet nya!Rinig mula sa pinagtataguan ko ang hikbi ni Margareth.
"Ang sama mo Ice.Kaya siguro hindi ka magawang mahalin o pansinin man lang ni -----"
"Shut the fuck up!Don't you dare meddle with my business!And she is my business and you have nothing and I mean nothing you can do about it!So get lost!"
Napanganga na lang ako sa mga narinig ko.
Nakarinig ako ng papalayong mga yabag.I think si Ice yung umalis,rinig ko pa kasi ang impit na pag-iyak ni Margareth.Hinintay ko munang makaalis din si Margareth bago ako lumabas sa pinagtataguan ko.
Sino kaya ang babaeng gusto ni Tukmol?
Malas ang babaeng yun kung sino man sya,ang sama kasi ng ugali ng higanteng tukmol na yun!
BINABASA MO ANG
That Geek is MINE!
HumorShe's a nobody .. but smart. She's a loner..simply beautiful She's a nerd... She's a geek.. And she's Jamzel Rios.. He's gorgeously h...