geek 24: master/slave day 1

1.9K 79 16
                                    

Jamzel's

Master/slave: day 1
"Jealous"


"Now slave,feed me."

Padabog akong umupo sa upuang malapit sa akin.At ngayon ko lang napansin na nakaupo na rin pala ang dalawa kong kasama.

Si Allen na katabi ko sa kanan,parang di makabasag pinggan.Napakimi kung kumilos at ngumiti kaharap nito ang playboy na si Lloyd.Sa harapan ko naman Si Mary Joy na animo ahas na nakalingkis sa isa pang varsity player.

Naramdaman kong may tumabi sa akin sa kaliwa.Kahit di ko na tingnan alam ko na kung sino yun amoy pa lang nya alam ko na,dagdagan pa nang kilabot na nadarama ko sa ytuwing nasa malapit siya.

"Hi,Jamzel right?We never had a chance to introduce ourselves to you.Ayaw kasi ng isa dyan." sabay sulyap sa katabi kong si Ice.
"By the way Im Lloyd Trinidad." anito sabay abot ng kamay sa akin.

"Ah,hi" sabi ko.Aabutin ko na sana ang kamay nyang nakalahad nang biglang hilahin ng katabi kong kampon ng kadiliman ang kamay ko.

"Ano ka ba---"

"You can introduce yourselves without holding her hands." mariin nitong sabi.Masama ang tingin nito kay Lloyd at pinasadahan din nito ng masamang tingin ang mga kasama namin sa mesa partikular ang mga lalaki.

Nagtawanan ang mga lalaki sa inasta ng leader nila.

"Possessive mo talaga bossing! By the I'm Louie Gonzales,nice to finally meet you" sabi nung mahawk cut na buhok.

"Mathew Santos here and this is my younger brother Jude Santos." Sabi naman nung parang badboy ang itsura.Tinuro naman nito na kapatid daw nya yung pilit umiiwas sa mga yakap ni MJ.

Di naman alintana ni MJ ang pag iwas ni Jude sinusubuan pa nito ang lalaki na hindi naman nito mahindian.

"Ako naman si Ranz Victorio ang pinaka gwaping sa kanilang lahat." sabi naman nung lalaking baby face.

Ngumiti ako at tinanguan sya.

"Clark Smith here" saad naman nang lalaking mahaba ang buhok at mukhang foreigner.Kulay asul pa ang mga mata.Ang cute nya.

"Hi ang cute mo naman." sabi ko na napatitig pa sa kanya.Ang cute nya kasi talaga.Kulay langit ang mga mata.

Bigla nalang dumilim ang paligid ko nang may kamay na nagtakip sa mga mata ko.

"Uh oh...someone is jealous." mapang asar na sabi ni Mathew.Sabay pa silang nagtawanan at nagsiapiran.

Inis kong tinanggal ang kamay na nakatakip sa mata ko.Matalim kong tinitigan ang salarin.At nagulat ako nang mas galit pa sya kesa sa akin.

"Problema mo?" maangas kong tanong sa kanya.

Napatiim bagang ito na para bang nagtitimping sumambulat ang galit.

"What's my problem you asked?! Don't you dare compliment other man in front of me! You cheater!" maigting nitong bintang sa akin.Tumayo pa ito at galit na nakatunghay payuko sa akin.

Napaawang ang bibig ko habang nakatingala sa kanya.Bakit ba galit na galit sya.Tinapunan ko nang tingin ang mga kasama namin dito sa table.

That Geek is MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon