geek 29: master/slave day 3

1.7K 74 67
                                    

Master/slave day 3

What is...who are..??

Jamzel's

Wala kaming imikan habang lulan ng kanyang sasakyan.Pero may ningning sa kanyang mata,na tila naaaliw o nasisiyahan. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nya.

Hindi ko maiwasang mapasintido dahil sa nangyari kanina sa bahay. Si tito Tots talaga. Umiling pa ako dahil sa pagkakunsimisyon. Nagsanib pwersa ba naman ang tatlong pinaglihi sa kaabnuyan!

"Ahermm..." I cleared my throat.

Di man lang ako pinansin o sinulyapan man lang.

"Ahermm..Herrm..!" I fake cough.

"You ok?" he asked.

"Ah..." nakakahiya!! Pero nagawa ko pa ring tumango.

"Ahm..p-pasensya ka na kanina sa mga kasama ko sa bahay." Medyo nahihiya kong sabi sa kanya.

Nakakahiya naman talaga ang naganap kanina sa bahay. Ako nahihiya sa pinag gagawa at pinagsasabi ng mga abnoy na yun eh.aisst!!

Parang nagkaroon nang remote control ang isip ko at kusang nagrewind ang eksena kanina sa bahay.

Flashback..

"Aalis na po Kami. ." Paalam ko sa kanilang tatlo.
Tumango Lang si allena na nakangiti ng abot na yata hanggang tenga.

"Sandali!! " pigil sa amin ni tito tots.

Akala ko pa naman makakaalis na kami ng matiwasay.haayyy

Bigla nya nilapitan si Ice na nanatiling nakatayo lamang. Inikutan nya ito na parang kinikilatis. Halos magpang abot na sila ng height. Masmatangkad lang ng ilang pulgada si tito.

Patuloy na inikutan ni tito tots si Ice habang wala naman pakialam yung isa. Nakapamulsa lamang si Ice waring hinihintay ang susunod na hakbang ni tito.

"Bata,itong pamangkin ko buo kong ibibigay sayo." may diin ang bawat salitang saad ni tito.

"Yes sir." sagot naman ni Ice.

"Ibalik mo din sya ng buo ha neh? Wag mong ibabalik yan na dalawa na sila.!"

Napasinghap ako nang magets ko ang ibig ipahiwatig ni tito.

"Wag mo ding ibabalik na warak na!" sawsaw naman ni tita sa usapan.

"Wag mong paglalaruan yang bestfriend ko ha." pati si Allen nakisawsaw na din.

"Wag mo papaiyakin!" - tito tots.

"Wag mo papaasahin!"- tita thea.

"Wag mo aapihin!"-Allena

"Wag mo na isoli!" -tito tots.

"Tito!!" Sigaw ko.

Nakatikim naman siya ng batok kay tita.

"Tanga! Anong wag isoli?! Hindi kaladkarin yang pamangkin ko ha!" Singhal ni tita.

"Tama! Hindi siya malande!" -Allena

"Hindi siya pok-pok!" -Sabi ni tita na dinuro duro pa si Ice. Ang intense ng pagkakasabi.

Wth! P.o.k times two talaga?! Mga baliw na talaga sila!

Nakakahiya!!!!!

Tiningnan ko si Ice,at nakikita ko ang pagkaaliw sa mga mata nya. May munti pang ngiti sa mga labi nya.

That Geek is MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon