Jamzel's
Nag-inat ako at inayos na ang mga gamit Kong nakakalat sa desk ko.Katatapos lang ng last subject ko kaya lunch break na.
"Tara na bez sa cafeteria na lang tayo mag lunch." Sabi sa akin ni bez.Magkaklase kami sa lahat ng subject nyan pareho kasi kami ng course.
"Sige bez ayusin ko lang to saglit." Sagot ko naman sa kanya.
Matapos kong mag-ayos ng mga gamit umalis na din kami para makakain.Siguradong punuan nanaman sa canteen nyan.
"Ms.Rios!"
Lumingon ako nang marinig kong my tumawag sa akin.Nakita kong palapit sa amin si. Ms.Pablo ang prof.naming terror.Matandang dalaga ito nasa edad 40 pero kung tutuusin pwede pang mag-asawa.Maganda sana kung di lang pirmi ang simangot sa mukha nya.
Hinintay namin syang makalapit bago ako nagtanong.
"May iuutos po kayo Ms.Pablo?"
Agad kong tanong.Gutom na kasi ako at gusto ko nalang umupo at kumain."Yes Ms.Rios,can you please give this file to Mr.Cruz?He's in the gym right now." Tukoy nito sa isa din naming professor.Nagsalita syang wala man lang reaksyon ang mukha.
Nagkatinginan kami ni bez bago ako sumagot.
"Sure po Ms." sagot ko.Di ko pinahalatang napipilitan lang ako,baka malagot pa ako ang sungit pa naman nyan.
Hayy ang hirap talagang maging scholar minsan nagiging utusan nang mga teacher.Tapos na akong maging teacher's assistant last year.Kala ko pa naman pahinga na sa mga utos.
"Thank you Ms.Rios." pasasalamat nito.Pakunswelo na lang marunong magpasalamat si Ms.Pablo.
Yung iba utusan ka na nga susungitan ka pa.
"Paano na yan bez,samahan na lang kita sa gym para ibigay yang file na yan?" Untag sa akin ni Allen.
Tiningnan ko ang folder na hawak ko at tumingin sa kanya.
"Hindi na Allen mauna ka na dun mahirap na maghanap ng table nyan ngayon." Sagot ko sa kanya.
"Oh sige bez maigi na ngang mauna na ako para makapag reserve na ako ng table natin.I-orderan na lang din kita bez,ano gusto mo?" -Allena or Allen.Ang cool kasi pag Allen tunog lalaki.
"The usual na lang bez.Sige alis na ako para mabigay ko agad to kay Sir at nang makakain na, gutom na ako.."Bugnot kong sabi..
"Sige bez byebye.ingat" paalam nito sa akin.
Tumalikod na din ako at nagtungo na sa direksyon ng gym.Buti na lang wala na masyado tao sa hallway ngayon wala titingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Parang isa kasi akong unknown species kung suriin nila.Head to foot and back sabay taas kilay.First time ata nila makakita ng nakasalamin,nakapusod ang buhok,naka jeans at naka shirt with matching bagpack.
Papasok na ako ng gym ng matigilan ako.Hindi lang pala si sir ang tao dito bat di ko naisip na posibleng magkrus ang landas namin ng abnormal.
Nakita ko si sir na nasa kabilang bleacher kasama ng couch ng team at nag-uusap.Naglakad ako palapit dito pero bago pa man ako makalapit ng tuluyan sa kanila may humarang sa aking isang lalaki nakasuot sya ng jersey kaya siguradong player sya.
BINABASA MO ANG
That Geek is MINE!
ComédieShe's a nobody .. but smart. She's a loner..simply beautiful She's a nerd... She's a geek.. And she's Jamzel Rios.. He's gorgeously h...