geek 32: master/slave day 3

720 22 10
                                    


Master/slave day 3
'Betrayal...'

Jamzel's

"Paano kung malaman na ni Jamzel ang katotohanan?!"

Nanigas ang kamay kong nakahawak sa seradura ng pinto.Boses yon ni Tito Tots. At nanibago ako sa sobrang seryoso ng kanyang boses.

"Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin!" tinig naman yon ni tita Thea,halatang tensyonado ang boses ni tita.

"Hindi sa lahat ng oras kaya nating ilihim ang mga bagay-bagay mula kay Jamzel!"

"I know! Okey! I know! Just..just.." -tita

"How could you put your own Niece to danger! Bakit mo sinabi sa kanya ang tungkol sa underground?! Buong buhay natin mula nang mamatay ang magulang ni Jam ginugol na natin sa pag iimbistiga sa mga taong yon! Pero sa ginawa mo..! Damn!"

"Im sorry okey!! Wala naman talaga akong balak sabihin sa kanya."

"Pero sinabi mo pa rin!"-Tito

"Hindi naman lahat.." mababa ang boses na saad ni tita Thea.

"What exactly did you tell her?"-Tito

"I told her about the tattoo.."

"The tattoo?! Sa lahat ng pwede mo- -..!"

"Calm down ok?! Hindi ko sinabi lahat,I lied to her. Ibang tattoo ang sinabi ko"

Halos hindi ako humihinga sa lahat ng mga naririnig ko.
Nagsinungaling si tita sa akin.

Si Tito...

Si Tito Tots na buong akala ko na walang alam sa lahat ng mga bagay na yon. Yun pala..yun pala pinaglalalangan nila ako..

Silang dalawa pala ang tunay na magkakampi. Silang dalawa ang tunay na nakakaalam ng lahat.

How could they do this to ME!

"Stars? Saan mo nakuha ang idea sa star tattoo na sinabi mo?"

Nagbalik ang atensyon ko sa dalawang taong buong buhay kong pinagkatiwalaan pero ..

Gusto ko ding malaman kung kaninong idea nanggaling ang mga tattoo na sinabi sa akin ni tita na pawang kasinungalingan pala.

"The famous Gay comedian Vice Ganda. .Dont laugh ok! I got the idea from his star tattoos."

Humigpit ang kapit ko sa seradura.halos mamuti ang kamao ko sa higpit ng aking pagkakakuyom.

Pagak akong tumawa!

Nice!

"How about the Tournament?''Tanong ulit ni Tito.

"We stick to the original plan. Red Will handle it.''

Red. Ang magandang babae na akala mo pipe dahil hindi nagssalita. Atleast may isang bagay na totoo.

Nagtatalo ang loob ko kung papasok ako sa loob at kumprontahin sila sa mga kasinungalingan nila.

Pero parang hindi ako handa? Lalo pa at ngayong gabi ko rin nakita ang taong matagal ko nang hinahanap.
Alam na din kaya nila na ang taong yun ang matagal na nila..naming hinahanap?

Hindi ko alam ang gagawin ko ngaun,papasok ba ako?
Kaya ko na ba silang harapin at harapang kumprontahin?

O tatalikod na lang ako at magpanggap na walang narinig?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Geek is MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon