Chapter Thirty-one

1.9K 48 6
                                    

Wendy's POV


"Good morning, hon." Sandro greeted, his voice hoarse from sleeping.


Muntik ko na makalimutan na dito siya natulog kagabi.


Nakangiti ako sa kanya habang sinusubukan kong imulat ang mga mata ko. We're still in the bed, nagising lang ako dahil sa amoy ng niluluto ni mommy sa baba.

"Good morning." I said to him.


Kung panaginip man 'to, ayoko nang gumising.


Sandro gave me a kiss on my forehead. "Do we still have to go to school today?"


"Of course." I pinched his cheek. "May quiz pa tayo mamaya."


Sandro let out a sigh. "All right, we should get up now. Tita already cooked our breakfast."


Sandro was about to get up, I wrapped my arm around his waist to make him stay still.


"Dito ka lang." I pouted.


"The food will get cold." Sandro chuckled.


I frowned. "Okay lang."


"I will not go anywhere, we're just going to eat breakfast." He whispered to my ear.


Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. "5 minutes? Gusto lang naman kita mayakap..."


He gently stroked my hair. "5 minutes then."


*

"Lock the door after you leave. I have to go to the mall to get something, okay?" Pagpapaalam ni mommy habang kumakain kami ni Sandro ng breakfast.

"Ingat ka, mommy." I waved at her.

My mom nodded. "Sandro, take care of my daughter."

"Yes, tita." He smiled at me.

Biglang nag-ring ang phone ko sa table paglabas ni mommy.


"Who's tha--" I immediately shushed Sandro nang nabasa ko ang display name ng tumatawag.


BWISIT!!! calling...


I cleared my throat before answering the call. "Hello, Ten?"


Sandro suddenly stopped eating.


Hindi niya pwedeng malaman na nandito si Sandro.


"Wenwen! Papunta na ako sa inyo ngayon."


Oh no.


Sabay nga pala kaming pumapasok sa school ni Ten.


"Wendy?" Ten called my name.


"A-ah---okay! Malapit ka na ba?"


Nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya. "Nagsasapatos na."


Bigla akong napatayo sa gulat.


Sandro's eyebrows furrowed, pinagmamasdan niya ako habang kausap ko si Ten sa phone.


"Nag-chat pala si Genoa sa GC, mag-civilian daw ngayon dahil maglilinis tayo ng clubroom."


"T-teka! Hindi pa ako nakakaligo!"


Ten chuckled. "Late ka na naman nagising, hintayin na lang kita sa labas ng bahay niyo. Bye!"


"Wait---" Ten already ended the call kaya hindi ko nasabi sa kanya na huwag na siyang pumunta dito.

Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon