Chapter Five

2.8K 72 3
                                    

Wendy's POV 

I was taken aback. 

"M-mom, bakit ka po nandito?" Nakahawak pa rin si mommy sa bibig niya. 

She might misunderstand it. Ano ba kasi pumasok sa utak ni Sandro at hinalikan niya ako? Gusto ko na lang umiyak sa sulok! 

"Naiwan mo kasi ang wallet mo sa bahay kaya hinatid ko dito." 

Nilingon ko si Sandro na hindi pa rin nagsasalita. Nagtama ang mga mata namin kaya naramdaman ko lalo ang pag-init ng mga pisngi ko. 

"Your boyfriend?" 

My WHAT?! 

"No, mom!" Depensa ko. Biglang nagliwanag ang mukha ni mommy. 

"There’s nothing to be shy, anak! Nahuli ko nga kayong naghahalikan e, pakilala mo naman ako sa boyfriend mo." She crossed her arms. Mas lalo akong nahiya dahil sa sinabi ng mommy ko. 

"H-hindi ko po siya boy---" I haven't finished talking yet when she gave me a hug. 

"Dalaga ka na talaga," Kumalas si mommy sa pagkakayap at lumapit kay Sandro. "What's your name, hijo?" 

Bakit hindi ako tinulungan ni Sandro magpaliwanag dito?! 

"S-sandro---Sandro Tan." 

I closed my eyes for a second trying to calm myself down. Malapit ko na talaga sapakin si Sandro! 

My mom suddenly giggled. 

"All right, I'm sorry. Mukhang nagulat kayong dalawa sa bigla kong pagpasok dito. Pasensya na sa istorbo, maiwan ko na muna kayo. Here's your wallet, anak." 

Hinila ako ni mommy at bumulong. "In fairness, guwapo ang boyfriend mo." Nginitian niya ako bago lumabas ng clubroom. 

Silence. Natahimik kami ng ilang minuto pagkalabas ni mommy. 

I finally gathered the strength to talk to him. "Bakit mo ginawa 'yun?" 

He stared at me blankly. "I am sorry. I wasn't in my right mind." 

"You should have freaking explained everything to my mom!" I clenched my fist. Napayuko si Sandro. "I thought you were her." He said in a very soft tone. Kilala ko na agad ang tinutukoy niya. 

Huminga ako ng malalim at lumabas na lang ng clubroom dala ang mga gamit ko. Ano pang magagawa ko? Nangyari na 'yun, wala na akong magagawa kahit magalit pa ako sa kanya. 

Mamaya ko na iisipin kung paano ko ipapaliwanag kay mommy ang nangyari. 

*

"AHHHH!" I yelled before shoving the toothbrush inside my mouth. 

Pangatlong toothbrush ko na 'to ngayong gabi. "SHANDWO TAN!!!" 

Naiinis ako na naiiyak. Si Sandro lagi ang pumapasok sa isip ko every time na nakikita ko ang labi ko. First kiss ko ang ninakaw niya! 

Sinubukan kong kausapin si mommy tungkol sa nakita niya pero ayaw niya talagang maniwala na hindi ko boyfriend si Sandro. Akala niya nagdadahilan lang ako dahil nahihiya akong umamin sa kanya. Nakakainis! 

At isa pa, ano bang problema nilang dalawa ni Serine? Girlfriend niya ba 'yun? 

Sumasakit na ang bagang ko kaya tinigilan ko na ang pagsisipilyo. Kinuha ko ang phone ko sa bag before throwing myself on the bed. 

Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon