Chapter Three

3.6K 80 3
                                    

Ten's POV



"OLATS!" Napatingin ang mga kaklase ko sa akin.



Ops, sinadya.




"Mercado! Why are you shouting?!"




Napatakip ako ng bibig. Sorry na, ma'am! Nakalimutan kong nasa classroom pala ako, shit happens talaga.




Nilapitan ako ni ma'am. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, patay tayo diyan.




"And why are you using your phone during my class?! Get out, now!"




Kinuha ko 'ang bag ko at sinukbit sa balikat ko. Sinenyasan ko rin si Lucas na magkita na lang kami mamaya after ng klase.



Badtrip! ML pa, Tyrone!



*



Napatingin ako sa oras. Matagal pa ang uwian ni Wendy, saan kaya ako tatambay ngayon?




Nagkaklase pa ang karamihan, ang tahimik ng hallway kaya napagpasyahan kong maglakad-lakad na lang sa grounds pampalipas oras.




Boo! Boring! Sarap umuwi.



Payapa akong naglalakad nang makita ko si Serine na papunta sa indoor swimming pool ng Southmoor. Nagkatinginan kami nang ilang segundo nang mapadaan siya sa harap ko. Ang ganda niya pero mas maganda si Wendy, hehe.




Ang sungit pa, hindi man lang nag-hello. Parang hindi niya ako kilala ah.




Tss.




Teka, pumunta siya sa pool?



"Ten!" Si Lucas. Ang bilis naman yata ng klase ni Miss Santos? Isang oras na ba akong naglalakad dito sa grounds?




Lumapit sa akin si Lucas at sinabayan akong maglakad.



"Maagang nag-dismiss si Miss Santos kasi may meeting daw sila ngayon. Bakit nandito ka nga pala sa grounds?"



"Boring maghintay sa hallway. Tara, bball muna walang gumagamit ng school gym." Inaya ko si Lucas. Wala na kaming klase ngayong araw at isa pa, gusto ko rin pawisan!




"Wala bang training 'yung mga varsity players ngayon?"




Umiling ako. "Balita ko may laro sila sa ibang school. Dalian mo na maglakad, baka maunahan pa tayo ng iba."



Wendy's POV


PETA (Performance Task) week na agad? Ugh. It's only been a month since we started this school year. Kainis! I'm pretty sure, sabay-sabay na naman ang deadline sa lahat ng subjects as always.



Pababa ako ng hagdan nang mapansin kong ang daming estudyante sa grounds.




"Sali na po kayo sa Filipino Club!"




"Please join English Club! You will surely enjoy your remaining years in high school if you join us!"




"Girls Volleyball Club! Sali kana, miss!"




"Ayo, sali na kayo sa Tennis Club! Everyone is welcome!"




"Sa lahat ng dancers diyan, Southmoor Dance Crew is the perfect one for you!"




Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon