Wendy's POV
Shit. Ano bang pumasok sa utak ko at dinamay ko pa si Sandro sa problema ko? Mas lalo tuloy naniwala si mommy na boyfriend ko talaga si Sandro.
Sinabunutan ko ang sarili ko habang naglalakad palabas ng ospital.
Ngayon, kailangan ko na humingi ng pabor sa kanya, after yelling at him? Seriously? Kahit sino hindi papayag sa hihingiin kong pabor. Si Sandro Tan pa kaya?
I let out a deep breath. Kaya ko 'to! I am doing this for my mom. Kung buhay naman ng mommy ko ang kapalit, handa akong i-set aside ang pride ko.
Tinawagan ko si Genoa para hingiin ang number ni Sandro. Kailangan ko siyang makausap ngayon din.
Umupo ako sa park bench sa likod ng hospital while anxiously waiting for Sandro to answer my call.
"Hello? Who's this?"
Huminga ako ng malalim bago magsalita. "It's me, Wendy."
"Where did you get my num---" I cut his words. "It doesn't matter. Nasaan ka?" He stopped talking for a moment. "At school."
"I'll go there now. Meet me at the school gym." I ended the call. Agad akong pumara ng taxi para mapadali ang dating ko sa Southmoor.
"Saan po kayo, miss?" Tanong ng taxi driver pagkasakay ko sa passenger seat. "Southmoor High School po, manong."
*
Hindi ako naka-uniform ngayon pero dala ko ang school I.D ko kaya nakapasok pa rin ako sa loob ng campus.
"Huwag kang kabahan." I said to myself bago ko buksan ang pinto sa school gym.
Walang ibang tao sa loob pagkabukas ko ng pinto. Ang sunlight lang galing sa mga bintana ang nagbibigay ng limited na liwanag sa gymnasium.
Naglakad ako papunta sa gitna ng gym kung saan tumatama ang liwanag para madali akong makita ni Sandro pagdating niya.
I'm nervous, really nervous. Hindi kami close ni Sandro kaya hindi ko alam kung mapagbibigyan niya ako kahit wala naman talaga siyang makukuha out of this.
Biglang bumukas ang pinto. May figure akong natatanaw pero dahil sa limited na liwanag sa loob ng gym, hindi ko sigurado kung si Sandro ang pumasok. Naglakad siya palapit sa akin nang nakapamulsa. Hanggang sa tamaan na ng liwanag ang mukha niya.
Si Sandro, nandito na siya.
"Umh, h-hi?" I greeted him first.
He chuckled. "Why did you ask me to come here?"
I gulped silently. Kung nakamamatay lang ang kaba, siguro malamig na bangkay na ako kanina pa.
Tumingin siya sa relo niya. "Faster, I have to go somewhere."
Ano ba, Wendy? Just ask him already!
I bit my lower lip.
"I need your help, Sandro Tan."
Sandro looked at me.
"Date me, please." Straight to the point, I uttered those words.
"What?" He asked in disbelief.
I looked pathetic. I wanted to disappear from this moment. Nakakahiya!
"I'm begging you, I know it's too much to ask for but I badly need your help."
"Are you confessing your love to me right now?"
BINABASA MO ANG
Let Me Chase You
Novela JuvenilWendy Caprio, fiercely independent and sharp-witted, finds herself tangled with two star-crossed boys on a random Tuesday at school. There's Tyrone "Ten" Mercado, the notorious troublemaker with a hidden heart and mysterious past, and Alexandro "San...