Wendy's POV
I told manong to driver faster kaya nakarating ako sa bahay ni Sandro in 25 minutes from Taguig to Makati. 20 minutes lang sana pero dumaan muna ako sa pharmacy para bumili ng gamot ni Sandro. Sinabihan ko si manong na huwag na akong hintayin dahil I don't know how long I will stay here.
Dali-dali akong pumasok sa bahay nila. Hindi naka-lock ang pinto, he is really telling the truth when he said walang ang mga maids nila ngayon.
It's so quiet, nasaan na siya?
Umakyat ako sa 2nd floor at hinanap ang kwarto niya.
Ang daming pinto! Locke and Key house ba 'to?
Binabaybay ko ang hallway nang mapansin kong may bukas na pinto sa bandang dulo. That must be his room.
Sumilip ako sa loob and there he is, nakabalot siya ng comforter, nangangatog sa lamig.
I rushed in front of his bed.
Sandro jolted in surprise. "Jesus Christ! You startled me!"
Hinawakan ko siya sa noo. "Inaapoy ka ng lagnat." Kinuha ko ang remote ng aircon na nakapatong sa sofa sa loob ng kwarto niya para hinaan ito.
"Uminom ka na ba ng gamot?"
He shook his head.
"Tss," Nilapag ko sa side table ang mga binili ko sa pharmacy at kinuha ang gamot. "Wait here, kukuha ako ng tubig."
Sino-sort out ko ang mga binili ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "You actually came."
"Oo! I even thought you were lying to me. Nilalagnat ka pala talaga!"
Sandro just chuckled. "I told you, I will never lie to you."
*
"Inumin mo 'to." Inabot ko kay Sandro ang isang baso ng tubig kasabay ng gamot. Nagpiga ako ng basang towel mula sa malaking bowl na may lamang tubig na kinuha ko kanina from the kitchen.
"Higa!" I commanded.
"My nurse is so grumpy." I rolled my eyes. Umupo ako sa tabi niya at dahan-dahan siyang pinunasan ng basang towel sa mukha.
"Tss, bakit wala ni-isang maid sa bahay niyo ngayon? Paano pala kung hindi ako pumunta? Anong mangyayari sa 'yo, ha?"
Sandro closed his eyes. "Does it still matter? You're already here."
"You could have died!"
He laughed softly.
"Anong nakakatawa, Alexandro?!"
"It's just a fever. Stop nagging your patient, honeybunch."
Kung wala lang siyang sakit ngayon, binatukan ko na siya!
Binanlawan ko 'yung basang towel, folded it into three at nilagay ito sa noo niya. "Kumain ka na ba?"
He shook his head again. Geez, it's already 8 PM.
I deeply sighed. "Fine, magluluto ako ng soup. Don't move too much!"
Sandro nodded. He seems very weak.
*
Iniwan ko muna siya sandali at bumaba sa kitchen. Hindi man ako kasing galing ni Sandro pagdating sa pagluluto pero marunong din naman ako kahit papano. Ako rin kasi nagluluto sa bahay every time my mom is not home.
Kumuha ako ng canned mushroom, all-purpose cream, at flour sa cabinet, butter sa fridge, onions at iba pang condiments na kakailanganin ko sa pagluto ng cream mushroom soup. Ito ang laging niluluto sa 'kin ni mommy sa tuwing magkakasakit ako.
Sinunod ko lang ang recipe na tinuro sa akin ni mommy at naglagay ng parsley leaves sa ibabaw ng soup for garnish. Nilagay ko ang bowl sa wooden tray at naghiwa ng ilang pirasong apple na nakita ko sa fridge. Dahan-dahan ko ito hinatid sa kwarto ni Sandro, I am not sure if magugustuhan 'to ni Sandro, but at least I tried.
"Kumain ka mu---"
Kita mo nga naman 'to, tinulugan ako!
Binaba ko ang tray sa side table.
"Hoy, tulog ka na ba?" I poked his cheek. He didn't respond.
Is Sandro dead?
Nilapit ko ang palad ko sa ilong niya. Thank God, he is still breathing.
"Lalamig na 'tong soup mo." Hindi ko na siya ginising at inayos na lang ang kumot niya.
Kukunin ko sana ang upuan sa harap ng computer desk niya nang napansin kong may mga printed pictures na natatakpan ng libro, kinuha ko ito para tignan. Mga pictures ni Sandro at Serine together, they are both smiling na parang in love talaga sila sa isa't isa.
Napaisip tuloy ako, totoo kaya 'yung sinabi ni Serine kay Sandro when they broke up? Na she was never in love with him? Binalik ko na ang pictures kung saan ito nakalagay at nilipat ang upuan sa tabi ng kama ni Sandro. I adjusted it para pwede kong ipatong ang ulo ko sa kama niya.
I glanced at the wall clock, 9:30 PM na. Hindi ako pwedeng umuwi hangga't hindi bumababa ang lagnat ni Sandro.
Guess I will just stay here until the morning.
Sandro's POV
I woke up in the middle of the night trying to adjust my vision.
I feel a lot better now, thanks to the medicine that Wendy gave me earlier.
Wendy is sleeping peacefully on the chair beside my bed. Her head is resting on the pillow, her face is facing me. "You're still here." Strands of her hair were covering her face, I carefully tucked it behind her ear.
I noticed a tray on my side table.
Tss, I forgot about the soup and fell asleep.
The soup had already gone cold. I guess she made this hours ago.
I lifted the tray and put it on my lap. "I'll still eat it because you made it for me."
It surprisingly tastes good.
You did great, honeybunch.
Wendy's POV
Naalimpungatan ako dahil sa likod kong parang nilalagari sa sakit.
"Ah, my back hurts." My eyes are still half-shut while stretching my back.
Naaaninag ko lang ang liwanag ng araw na tumatagos sa blinds. Nasa ibang kwarto nga pala ako.
Ini-scan ko ang paligid and where the heck is Sandro?
Kinapa ko ang pinaghigaan niya, malamig na. Kanina pa siya bumangon and he didn't even bother to wake me up.
Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa step ng hagdan, naamoy ko na agad ang niluluto sa kitchen. Bumalik na ba 'yung mga maids?
Nope, it's Sandro,
and...'yung babaeng nakatalikod, is that Serine?
Napaatras ako when I heard them talking. "You know, you don't have to cook for me anymore, hindi ko rin naman makakain."
Ang harsh talaga ng babaeng 'to!
"I learned this at your favorite restaurant before, but I wasn't able to cook it for you. You should taste it."
Sandro...
"I don't have to, I'm just here to return this to you." May nilabas si Serine sa bulsa niya.
It's a necklace.
Tinanggal ni Sandro ang apron niya at lumapit kay Serine para kunin 'yung necklace sa kamay nito.
The look in Sandro's eyes, I already saw that before.
He is sad.
BINABASA MO ANG
Let Me Chase You
Novela JuvenilWendy Caprio, fiercely independent and sharp-witted, finds herself tangled with two star-crossed boys on a random Tuesday at school. There's Tyrone "Ten" Mercado, the notorious troublemaker with a hidden heart and mysterious past, and Alexandro "San...