Side Chapter (41)

2.1K 46 5
                                    

HAPPY VALENTINES DAY AND HAPPY BIRTHDAY JUNG JAEHYUN! ♥️

This is the 2nd half of LMCY! Thank you for waiting, readers.

Wendy's POV

"What a well-written article, Miss Caprio. I'm giving you a flat uno for your midterm exam." My professor in Feature Writing said. I couldn't hide my happiness because he acknowledged my work kaya naman nakangiti ako habang tinatanggap ang paper kong may marka na ng uno.

"I know you are going to become a successful journalist someday. This is just your first year yet you're already doing a very good job." Na-flatter ako dahil sa sinabi niya. To be honest, I thought I was going to receive criticisms dahil it's my first time writing a feature article.

"Thank you so much, Sir Reyes!" I thanked him, he just smiled at me at nag-proceed na sa pagbabasa ng iba pang papers.

"Keep up the good work!" Habol pa ni Sir Reyes bago ako lumabas ng classroom.

I can't wait to tell my boyfriend about this.

Sandro will be proud of me.

***

Nagmadali akong pumunta sa building ng College of Business Administration na katabi lang ng College of Arts and Letters para i-update si Sandro. I hope he isn't busy!

Naglalakad ako sa hallway ng 2nd floor nang may biglang kumalabit sa akin. "What is my honeybunch doing here?"

"Sandro!" Agad ko siyang niyakap paglingon ko. Dala niya na ang bag niya, mukhang katatapos lang ng klase niya.

"Look what I've got." I excitedly showed him my paper.

He smiled from ear to ear upon seeing it. Araw-araw kong nakikita ang dimples niya pero I still fall in love with his smile every single time.

Sandro kissed my forehead. "I'm very proud of you, Wendy." he whispered to me kaya mas lalo pa akong kinilig.

Naputol ang kilig ko nang makita ko si Ten, Lucas and Genoa na nakatingin sa amin mula sa malayo. "Hoy!" I pointed them, kanina pa ba sila nandoon?

"Bawal PDA sa Southmoor University!" Lucas yelled.

"Pati ba naman sa hallway?!" Dagdag pa ni Genoa.

Ugh, nakakahiya!

"What are you guys doing here?" Tanong ni Sandro paglapit ng tatlo sa kinatatayuan namin.

Ang layo ng buildings nila, lalo na ang College of Engineering na college ni Genoa pero nakakarating pa rin sila dito. Talaga nga naman...

"Binisita ko lang kayo ni Lucas, I was about to visit Wendy as well. Sakto, nandito na rin siya." Nakangiti si Ten sa akin habang ginugulo ang buhok ko.

"Anyway, kumusta ang midterms niyo?" Ten asked everyone.

Bagay sa kanya ang white uniform ng College of Medicine. Nakikita ko na talaga si Tito Jerome kay Ten.

Walang uniform ang ibang colleges sa Southmoor University kaya lagi lang kaming naka-civilian unless it's P.E day.

"I did fine, first year college is not as hard as I thought it would be." Sandro answered calmly.

"Sana all, huhuhu." Genoa pouted. "Engineering na yata ang papatay sa akin. Kung pwede ko lang talaga hiramin 'yung utak ni Dylan, matagal ko ko nang ginawa!"

Natawa lang si Lucas sa tabi ni Genoa. "Speaking of Dylan, nasaan na ba silang dalawa ni Timo?"

"Sorry, we're late." It's Dylan and Timo! They just arrived. Parang may mini gathering na kami sa gitna ng hallway.

May bitbit pa na gitara si Timo, may pasok din pala sila ngayon. Pinagtitinginan na siya ng mga estudyanteng dumadaan dahil lalo pa siyang sumikat simula nung mag-release ng panibagong album ang Emperors.

"Since ngayon lang tayo nakumpleto, libre ko na ang lunch nating lahat!" Timo said with enthusiam. Laking tuwa naman namin dahil of course, we are getting some free food!

Lucas clapped his hands. "'Yun oh! Let's go, Teatro Club!"

***

We had unli wings for lunch sa isang korean restaurant along Southmoor road. Nilibre nga talaga kaming lahat ni Timo dahil kakakuha lang daw niya ng allowance for the month. Hindi rin nagtagal ang chikahan namin dahil may pasok pa ang iba sa amin kaya bumalik din agad kami sa campus after kumain.

"Where's your next class?" Kaming dalawa na lang ni Sandro ang magkasama ngayon. Tapos na ang klase niya, gusto lang niya ako ihatid sa room.

"Sa 4th floor, Art Appreciation class. Alam mo bang isang beses ko pa lang nakikita ang mga blockmates ko sa subject na 'yun? Ngayon na lang ulit kasi pumasok ang prof namin kung kailan tapos na ang midterm exams. Buti na lang minor subject lang." I told Sandro habang nakapila kami sa elevator.

"You should have dropped the subject before the midterms."

I let out a sigh. "I can't, mahirap maging irregular student."

Napatingin ako sa paligid. Napansin kong out of order ang isang elevator at dumadami na rin ang tao sa likod namin.

I looked at my boyfriend. "You can go now. Baka mahirapan ka pa mamaya pagbaba sa haba ng pila." Nagsabay sabay kasi ang mga estudyante sa lobby dahil kakatapos lang ng lunch time kaya naman napakahaba ng pila ngayon.

Hinawakan ni Sandro ang bewang ko. "It's fine, I have lots of free time."

I smirked. "Gusto mo lang ako makasama e."

Sandro chuckled before kissing the top of my head. "You know me so well, hon."

***

May sinusulat sa whiteboard ang prof namin sa Art App pagpasok ko sa classroom.

I'm late na! Kasalanan to ng blockbuster na pila sa elevator.

Agad akong humanap ng mauupuan habang nakatalikod pa ang prof. I immediately noticed 'yung bakanteng upuan sa likurang bahagi ng classroom, sa tabi ng lalaking naka-denim na jacket.

"Excuse me, may nakaupo na ba rito?" I asked the guy wearing a denim jacket. Siya lang ang nakaupo sa last row.

He looked up to me at tinanggal ang earpods niya. "Hmmm?"

Tss, hindi niya pala ako narinig. "Is this seat taken?" I repeated myself.

He waved his hands. "Ahhh, no. Go ahead."

I gave him a smile bago umupo sa tabi niya.

Our professor started giving the instruction for today's activity. "For your first activity, I am giving you 40 minutes to draw something that you can find inside the campus. Remember to be creative! You can start now." Kakaupo ko pa lang may activity na agad.

Napakamot na lang ako ng ulo, I know nothing about arts!

Naglabas ako ng sketchpad at pencil at tumingin sa paligid. Hmmm...something that I can find inside the campus, huh?

I was surprised nang mapatingin ako sketchpad ng katabi ko. Sketch pa lang ng school grounds ang naddrawing niya pero ang ganda na. Bigla ako nanlumo dahil pinagiisipan ko pa rin kung ano ang gagawin ko dito.

"Architect or fine arts student?" Hindi ko na napigilan magtanong kay kuyang naka-denim habang pinapanuod ko siyang mag-drawing. He's a good artist so I'm really curious!

He glanced at me and laughed. "Neither, I'm taking journalism."

I gaped in disbelief. Pareho pa kami ng course. "Me too! Anong year mo na?"

"1st year, ABJ-1A." Oh, kabilang block lang pala. This is my first time seeing him though. "and you?"

"That's nice! ABJ-1B ako. Nice to meet you---?" I lend my hand for a handshake na agad naman niyang tinanggap

"My name is Simon...Simon Almonte."

Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon