Chapter Twenty-five

2.2K 59 4
                                    

Wendy's POV

Sinabunutan ko ang sarili ko habang naglalagay ng facial moisturizer sa harap ng salamin.

Lord, mababaliw na yata ako sa tuwing maaalala ko 'yung nangyari kanina sa pool. I think my body betrayed me dahil hinayaan ko lang siyang halikan ako.

Why did I even kiss him back? What the hell, Wendy?

And the way Sandro smirked after we kissed...unbelievable! He even said, "That was a good one." before he left.

Ugh! Ayoko na. It was so embarrassing!

I can't believe we both broke the guidelines.

Lumabas na ako ng bathroom at binagsak ang katawan ko sa kama.

"Nakakahiya!" Kumuha ako ng unan at tinakpan ang mukha ko before screaming my lungs out.

My phone suddenly rang.

Sandro Tan calling...

"Shit?"

Agad akong bumangon at tinitigang mabuti ang phone ko.

"Shit?!"

"Shit! shit! shit!"

I calmed myself down before answering the call. "Hello?"

"Honeybunch," He said sa kabilang linya.

I cleared my throat. "Bakit? Anong kailangan mo?!"

I heard him chuckling. "Calm down."

"Bakit ka ba kasi tumawag?!" Nakakainis naman! Sana nag-chat na lang siya, diba?!

"I just want to ask if you would come to my competition next week."

Naalala ko na naman 'yung nangyari kanina, huhu.

"Honeybunch?" Sandro called my attention nang makalimutan kong magsalita for like a couple of minutes.

"O-oo!" Tinakpan ko ang bibig ko.

Sandro chuckled. "Alright, I won't attend our classes in the following days because I have to focus on training."

Bakit siya nagpapaalam sa akin?

Jowa duty?

"Just letting you know, good night."

"Teka---" Magsasalita pa sana ako but he already ended the call.

Bastos!


*

"Class dismiss, bye class." Sabi ni Sir Gab, teacher namin sa 21st century literature.

Nagmamadaling lumabas ng classroom ang mga classmates ko.

Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Dalawang araw nang hindi pumapasok si Sandro dahil sa ibang school pala siya nagti-training para sa nationals.

I kinda...miss him.

I jolted nang magtilian ang mga classmates kong babae out of nowhere.

Si Timo, papasok siya ng classroom namin kasama si Dylan.

"Hi, Wendy!" Bati ni Timo.

"Anong ginagawa niyo dito?" Napatingin ako sa pink na paper bag na hawak ni Timo.

"Pinabibigay ni Sandro." Kinuha ko ang paper bag sa kamay niya.

Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon