Side Chapter (46)

1.6K 38 0
                                    

Wendy's POV

"Nasaan ba tayo?" Agad kong tinanong si Sandro pagkababa namin ng sasakyan. Tumingin ako sa paligid.

Isn't this---"MS Entertainment building." Sandro answered calmly.

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "What are we doing here?!" Hindi manlang hinanapan ng I.D si Sandro pagpasok namin. Parang kilalang kilala na siya ng mga guards dahil binabati pa siya ng ilan sa mga nakakasalubong namin.

"Good evening, Sir Alexandro." Bati ng isang babae na naka-corporate attire, I think she is a staff dahil nakasuot siya ng MS Entertainment I.D.

Sir Alexandro?

"TNG Group din ba ang may-ari ng MS Entertainment?" I asked him, jokingly. (because I didn't expect it to be true)

Sandro just nodded while I gaped in disbelief. "My dad is the current CEO of MS Entertainment."

That means... Sandro is also the current successor of the largest entertainment company in Asia?

Gaano ba talaga kayaman ang mga Tan?!

He looked at me, confused. "You didn't know?"

I shook my head vigorously.

Sandro doesn't like showing off his wealth. Mas gusto niyang mamuhay ng normal that's why hindi siya kumukuha ng bodyguards at driver for his own safety kahit anong pilit ni Tita Karen.

Genoa was right when she said Sandro is more than a son of an idol. TNG Group is a really powerful conglomerate, locally and internationally. May narinig pa nga akong rumor before na hawak na rin ng mga Tan ang Southmoor. One of the most prestigious schools in this country. Sandro really took marketing to take over his family's wealth because he believes it's his duty as a successor of the TNG Group.

In other words, sa kamay ng boyfriend ko nakasalalay ang ekonomiya ng bansa! Parang bigla tuloy sumakit ang ulo ko.

We both stopped walking nang makarating na kami sa harap ng elevator. "We are going on the 12th floor." Sandro smirked before going inside the empty elevator.

12th floor is the last floor of this building.

Anong gagawin namin doon? At bakit pinadala niya pa sa akin 'tong fried chicken, popcorn at Sprite na in-order ko kanina?

The elevator door slowly opened.

Nasa rooftop na kami ng MS Entertainment.

Bakit tayo nan---WOAH!" I was surprised when I stepped out the elevator. Ang ganda ng view ng city lights na kitang kita kahit saan sulok ka ng rooftop pumwesto.

Naramdaman ko ang pagyakap ng malamig na hangin sa balat ko, pero agad din naman itong nawala when Sandro hugged me from the back.

"Ang ganda ng ilaw ng mga buildings." I told him habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"There's a better view than that." I felt his warm breathe on my neck dahil nakapatong ang chin niya sa balikat ko.

"Look up, Hon." Sandro whispered to my ear.

I did what he said.

I was even more surprised. The sky looked so clear, walang ulap kaya sobrang visible ng mga stars. I didn't know I could see something this breathaking even in the city.

He pointed his finger at the sky. "Can you see that?" Sinundan ko ng tingin kung saan nakaturo ang daliri niya.

Agad kong napansin 'yung tatlong bituwin na magkakadikit. It looks like a constellation but I don't know which one dahil hindi ko alam ang pattern niya.

"That's the orion constellation. One of the easiest constellations to find at night even without a telescope." Sandro explained.

Nadagdagan na naman ako ng brain cells!

"Come here, I'll show you something that's even more beautiful." Hindi binitawan ni Sandro ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa kabilang bahagi ng rooftop.

"Ano 'yan?" Dahan-dahan niyang tinanggal ang puting tela na naka-takip dito.

A telescope?

"Since when did you become interested in astronomy?"

Sandro chuckled habang naka-silip sa telescope. "Look."

"Hold it like this." Pinasilip rin ako ni Sandro sa telescope. I bent my knee a little kagaya ng ginawa niya kanina to get the best view.

I gaped upon seeing it. "It's Jupiter! Woah... ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit."

This is really amazing...

Bigla akong napatingin ako kay Sandro nang kunin niya sa kamay ko 'yung plastic ng pagkain na kanina ko pa hawak. Binuksan ni Sandro 'yung popcorn at kumuha ng ilang piraso dito. "Isn't this better than watching a netflix series at home?" He asked, smirking.

Muli kong tinignan ang Jupiter mula sa telescope.

"Definitely." I answered, smiling at the view.

This is way better.

***

Hindi namin mamamalayang isang oras na ang nakalipas kung hindi pa nag-text si mommy para magtanong kung nasaan na kaming dalawa ni Sandro. Masyado kaming nag-enjoy sa pagi-stargazing at food trip sa rooftop to the point na nakalimutan na naming may pasok pa pala bukas ng umaga at kailangan na naming umuwi pareho 'ASAP!!!!' sabi ni mommy sa text niya.

Pababa na kami ng elevator nang may bigla akong naalala.

"Nga pala..." Bago ko pa makalimutan itanong. "Bakit may telescope sa rooftop ng MS Entertainment?!"

Sandro laughed at my reaction. "I used to go here a lot when I was a kid, my dad gave that to me so I wouldn't be bored while waiting for him to finish recording."

Oh...

Kaya pala parang kabisado na niya ang bawat sulok ng milky way.

The elevator door slowly opened. Nasa ground floor na pala kami.

"Ninong Kai?" Sandro suddenly paused.

"Little Mikko!" Niyakap si Sandro nung tinawag niyang Ninong Ka---teka lang?

Kai?!

As in Kai Angeles ng CThunder?!

"It's been awhile! Binata ka na talaga. Akala ko naging teenager ulit si Mikko pagkakita ko sa 'yo." He laughed.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Si Kai Angeles nga...

I know their songs. Kasabayan lang halos ng CThunder ang Empires. Shems, ilang idols na pala ang nakikita ko sa personal dahil kay Sandro.

Pinulupot ni Sandro ang kamay niya sa baywang ko. "This is my girlfriend, Wendy."

Kai Angeles tapped Sandro's back. How do I even addressed him? Tito Kai? Mr. Angeles? Sir Kai?

"Manang mana ka talaga sa daddy mo." Tito Kai crossed his arms.

I smiled awkwardly. "H-hehe..."

Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon