Wendy's POV
'The number you dialed cannot be reached now, please leave the message after the tone.'
Kanina ko pa hindi ma-contact si Ten. Lagi naman niya hawak ang phone niya, imposibleng hindi niya nare-receive ang mga calls and texts ko.
Pangatlong tawag ko na 'to ah! Nasaan ba ang mokong na 'yun?
Lumabas ako ng classroom at pumunta sa classroom ng ABM. Agad naman akong nakita ni Lucas na kasalukuyang nakaupo sa likuran. Wala si Ten sa tabi niya ngayon kaya tinawag ko si Lucas at lumapit naman siya.
"Yo," Bati ni Lucas nang magkaharap na kami sa tapat ng pinto ng classroom nila.
"Nasaan si Ten?"
Lucas hummed. "Kahapon pa ang huling kita ko sa kanya, nung sinurprise namin kayong dalawa ni Sandro sa clubroom."
"Absent siya ngayon?"
Napakamot ng ulo si Lucas. "Actually,"
He let out a sigh. "he asked me not to tell you about this."
I crossed my arms.
"Nasaan si Tyrone?" I repeated myself at tiningnan siya nang masama.
"Nasa H-Bar..."
Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Lucas. "What?! Tanghaling tapat nasa H-Bar si Ten?"
At nag-cutting pa talaga siya para lang magwalwal, huh? Isusumbong ko siya sa daddy niya!
"Pinigilan ko naman siya pero ewan, parang bad mood yata si Ten ngayon."
Ako dapat ang bad mood ngayon dahil hindi ko siya ma-contact!
"Thanks, Lucas." I said to him bago ko puntahan si Ten sa H-Bar.
*
What the hell?
Ang daming tao dito sa H-Bar kahit tanghaling tapat! Mga estudyante sa Southmoor University ang karamihan dahil malapit lang 'to sa Southmoor Road. Amoy alak ang paligid, dikit-dikit ang mga taong nagsasayaw sa dance floor at halos mabingi na rin ako dahil sa napakalakas na music.
Paano ko hahanapin si Ten ngayon?
I looked everywhere, I have a bad eyesight kaya I am trying so hard to recognize Ten's face.
H-Bar has two floors. Naikot ko na ang buong first floor, Ten is still nowhere to be found.
Umakyat ako sa 2nd floor which is the VIP section of this bar. There are tables and chairs everywhere pero kaunti lang ang tao unlike sa 1st floor na sobrang crowded.
I finally found him.
Lumapit ako kay Ten na nag-iisa ngayon sa sulok. Dalawang empty buckets of beer na ang nasa table niya, nasa pangatlong bucket na siya. Kulang na lang masubsob siya sa table dahil sa kalasingan.
"Waiter---" Ten was about to call the waiter but he stopped when I sat beside him. "Wendy?"
Geez, amoy na amoy ko ang alak sa kanya.
His face is so red, mapungay na rin ang mga mata niya. Halatang he already reached his limit.
"Anong ginagawa mo dito, Tyrone?" I asked him.
Ten scoffed. "Bakit hindi mo kasama 'yung boyfriend mo?"
Kumuha si Ten ng isa pang bote ng beer at inubos ang laman nito sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Let Me Chase You
Teen FictionWendy Caprio, fiercely independent and sharp-witted, finds herself tangled with two star-crossed boys on a random Tuesday at school. There's Tyrone "Ten" Mercado, the notorious troublemaker with a hidden heart and mysterious past, and Alexandro "San...