Chapter Thirty-six

1.9K 45 5
                                    

Wendy's POV



4 years ago...



Our Science class just ended, nagsilabasan na ang mga classmates ko sa laboratory para bumalik sa classroom namin for our next class. Lahat sila may mga kausap at katawanan habang naglalakad sa hallway, I am the only one who doesn't have any friends yet kahit it's been 4 months since 8th grade started.

Hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaklase ko. But seriously, when am I going to make friends for this school year? It's not like I'm a nerd, my classmates are just too sophisticated. Well, kasalanan ko rin naman dahil I chose to study here. Southmoor is a school for the elite and everyone knows that. All the students here came from good families so natural lang for them to show off their wealth all the time.

I let out a sigh and stopped walking. I decided na magpa-late na lang sa next class at pumunta sa cafeteria para um-order ng paborito kong lugaw.

"Hello, Aling Gina!" Bati ko sa tindera ng lugaw sa cafeteria.


She smiled nang mapansin ako. "Oh, Wendy! Anong order mo?"


"Lugaw with egg po. Paki-dagdagan po 'yung dried garlic, please?"


Aling Gina chuckled. "Walang problema! Ikaw lang ang laging bumibili ng lugaw dito sa cafeteria, tatanggihan pa ba kita?"


She immediately prepared my order and gave it to me. "Dinagdagan ko na rin 'yung manok."


I smiled pagkaabot niya sa akin ng tray. "Salamat po!"


Agad akong humanap ng bakanteng pwesto. Lunch time ngayon kaya ang daming tao sa loob ng cafeteria, puno na rin ang bawat table na nakikita ko.


"Pssst!"


"Pssst! Miss, may bakante dito." Napalingon ako sa narinig ko.


Tinuro ng lalaki ang bakanteng upuan sa harap niya. Dali-dali akong lumapit dito at nilapag ang tray ko.


"Thank you." I said to him.


He didn't say anything in return.


Bote ng coke na kalahati na lang ang laman ang nasa harap ng lalaki. Nakapalumbaba siya sa table habang tinitignan ang mga tao sa paligid. Hindi ba siya kakain?

Napansin ko 'yung tatlong piercing sa tainga niya. To be honest, he's handsome. Sana nga lang naka-proper uniform siya para hindi siya nagmumukhang bad boy.

Nabo-bother ako na wala siyang kinakain kaya kinuha ko 'yung cupcake sa bag ko na binili ko kanina sa bakery at inabot ito sa kanya. "Sa 'yo na 'yan."

Tinitigan niya lang ang cupcake sa kamay ko ng ilang segundo.

"Don't worry, masarap 'yan." Sabi ko sa kanya bago ko ilapag 'yung cupcake sa table.

Kinuha na niya ang cupcake kaya nagpatuloy na ako sa pagkain ng lugaw.

"Anong pangalan mo?" Finally, nagsalita na siya.

"Wendy, Wendy Caprio."

He nodded. "Oh, grade?"

"Grade 8." I answered.

"Isang taon lang." He muttered under his breath.

Hindi ko ito narinig kaya I looked at him, confused. "Huh?"

Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon