Side Chapter (51)

1.8K 35 0
                                    

Rein's POV

Tahimik akong bumababa ng hagdan nang bigla akong harangin ng ka-team ko sa volleyball. "Rein, nandito ka lang pala. Coach is looking for you sa office niya."

I gave her a smile. "Okay, papunta na rin ako may dinaanan lang ako."

She tapped my shoulder bago umakyat ng hagdan.

Bakit kaya ako hinahanap ni coach?

Tanggal na ba ako sa scholarship?---No way! Maayos naman performance ko sa practice lately.

I shrugged off the thought bago pa ako mabaliw nang tuluyan. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin if ever na matanggal ako dito. Bakit kasi ang hirap maging mahir---"Ouch!"

Hinilot hilot ko 'yung ilong ko.

Sa sobrang lalim nang iniisip ko, I bumped on to someone which turns out to be Alexandro Tan.

Mabuti nang kakilala ko lang ang nabangga ko. Ang O.A pa naman ng ibang mayayaman na estudyante dito.

"Tsk, watch your step." Alexandro said bago niya ako lagpasan.

Aba, ang sungit. Parang hindi niya ako nilibre nung isang araw ah.

Pero 'yan ang gusto ko, 'yung hard to get para may challenge.

"Tan!" Sinabayan ko siya sa paglakad. "May klase ka?" Hindi niya ako sinagot, dire-diretso lang siya na parang wala ako sa tabi niya.

I raised an eyebrow. "Hello? May kausap ba ako?"

Sa wakas, tumigil na siya sa paglakad nang marinig niya ang sinabi ko. His eyebrows furrowed. "Why are you following me?"

I raised my hands at lumayo nang kaunti sa kanya. "Woah! Anong klaseng tingin 'yan? Kalma."

Hindi ko mapigilang matawa sa reaction niya. "I'm not following you, dito talaga ang way ko."

Alexandro rolled his eyes before saying the word: "Okay."

Mas binilisan niya pa ang paglakad. Syempre, hindi ako nagpatalo kahit anong haba pa ng legs niya.

Kayang kaya ko siyang habulin. "So saan ka pupunta?"

"Why ask?"

"Masama bang magtanong?"

"Coach." Maikli niyang sagot.

"Athlete ka pala?" I chuckled. "What sports?"

"Swimming." Tipid na tipid sa sagot. Akala mo may bayad per word.

"Teka, pinatawag ka rin ba ng coach mo?" Hindi naman Southmoor Scholar ang inglesero na 'to.

"Why? Did they call you too?"

"Oo, alam mo ba kung bakit?" I asked him.

"Intramurals is coming soon, my coach wants me to represent our team. I heard all sports teams are gonna do the same."

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Baka gano'n lang din ang rason kaya pinatawag ako ni coach.

I was worried for nothing.

"Thanks, inalis mo ang kaba ko. Pa-kiss nga." I joked.

Alexandro stopped walking. "What?" Pinigilan ko na lang ang tawa ko when he looked at me confused.

Cute naman.

I tapped his arm. "Nothing, sabi ko ang bagal mo maglakad kaya una na ako sa 'yo."

Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon