Wendy's POV
"Anong magiging role ko?" Tanong ni Ten kay Genoa.
We are having a meeting tungkol pa rin sa stage play which is going to happen this coming friday.
Genoa hummed. "Huwag kang mag-alala, you are going to have a better role than Sandro. Ikaw ang magiging king!"
Nagliwanag ang mga mata ni Ten. "Really? So si Wendy ang magiging queen ko?"
Genoa laughed, Ten eyebrows furrowed in confusion. "What? No! You're going to be her father! King nga eh, tanga."
Nabuga ni Ten ang iniinom niyang iced coffee. "Ayoko!"
"Fine." Tipid na sagot ni Genoa. "Lucas, do you want the role?"
Lucas just nodded. "Sure, actually...any role will do."
"So ano nga ang magiging role ko?" Ten asked her again.
Genoa rolled her eyes. "Puno! Puno ang magiging role mo!"
Ten scoffed. "Sa pogi kong 'to?!"
"Then just take the king role kung ayaw mong maging puno!" Genoa retorted.
Ten let out a sigh. "Sige na nga..."
Genoa smirked. "Madali ka naman pala kausap eh."
He pouted na parang bata habang sinusulat ang pangalan niya sa moist ng iced coffee cup gamit ang daliri niya.
"Tss, hindi ko na dapat sinuggest 'yung swimming sa challenge." Ten mumbled to himself.
Genoa stopped writing in her notebook. "Dylan and Lucas, okay na ba sa inyo 'yung role niyo?"
The guys nodded.
Si Lucas at Dylan ang mga magsasaka na magiging kaibigan ko sa stage play. Si Genoa naman ang rabbit na nagiging fairy pagsapit ng gabi at tumutupad ng kahilingan ng mga taong nakahawak sa kanya.
What a plot. It's making me miss my childhood.
"Nga pala, sino ang magiging narrator?" Tanong ni Dylan habang inaayos ang gamit niya sa backpack.
"I already asked Timo, he's willing to help us since wala naman siyang schedule sa foundation day." Genoa answered.
That's nice to hear because Timo is actually good at narrating. Kailan ko lang nalaman na part pala ng training nila 'yun sa MS Entertainment to prepare themselves for variety shows guesting.
"We have no classes for the entire week kaya gagamitin natin ang oras na 'yun to practice, we still have 5 days para mag-memorize ng lines at um-order ng costumes na gagamitin natin. Tutulong naman daw ang SHS Department sa production ng stage play kaya we just have to focus sa kanya-kanya nating role. Got it?"
"Yes." We answered in chorus.
"Well, I guess that's settled. You all can go now, see you tomorrow!" Genoa said bago lumabas ng clubroom.
"Naiihi na ako!" Dali-daling lumabas si Ten at kumaripas ng takbo papuntang banyo.
Lumapit ako kay Sandro habang hindi pa bumabalik si Ten.
"I can't go home with you right now, niyaya ako ni Ten mag-dinner." I whispered to him.
Sandro nodded. "Okay, see you tomorrow then." He fished his phone out of his pocket and started texting.
Hawak ko ang phone ko nang bigla itong tumunog.
From Honeybunch:
I'll just give you my good bye kiss tomorrow.
I chuckled after ko mabasa ang text ni Sandro.
Sneaky bastard.
"Ingat." I said to him, he gave me a smile instead before leaving.
*
"Saan mo gustong kumain? KFC, Mang Inasal, Jollibee, Bonchon, Chowki---"
I hissed. "Akala ko ba ikaw ang pipili?"
Ten pouted. "Baka kasi magkaiba tayo ng gusto."
I stopped walking nang mapansin kong nasa playground kami sa likod ng Southmoor. Wala ng ibang tao dahil 5:30 PM na at kanina pa ang uwian ng mga elementary students.
"May playground pa pala dito." I said to Ten.
Ngayon na lang ulit ako napadpad dito. Wala masyadong nagbago bukod sa monkey bars at slide na bagong pintura.
"Yeah, nakakamiss." Umupo si Ten sa park bench so I did the same.
Pinagmasdan ko ang paligid. The playground looks lifeless kapag walang mga batang naglalaro.
"Nung nag-enroll ako dito, kinuwento sa akin ni daddy na laging umiiyak si mommy noon dahil kay Tito Mikko kaya dito siya dinadala ni daddy to comfort her when they were still in high school." Ten crossed his legs.
"Really? Playboy ba si Tito Mikko noon?"
"Yeah, high school pa lang kasi sikat na ang Empires. My parents were best friends habang boyfriend ng mommy ko si Tito Mikko."
Sweet na talaga si Tito Jerome ever since, I wonder why Tita Karen didn't choose him over Tito Mikko?
"In the end, hindi pa rin sila nagkatuluyan ni mommy." Ten lowered down his head.
I let out a sigh.
Some people are not meant to be together.
"Wendy." He called out my name.
"Hmm?"
Tumingin sa akin si Ten nang seryoso. "Kailan mo ba ako sasagutin?"
He always asks me that question pero this time, bigla na lang nanigas ang dila ko.
I can't talk, I can't move a muscle. I can't even reject him like I always do.
Nakatingin lang ako sa mga mata niyang hinihintay ang sagot ko.
I think it's time for him to know that I'm dating Sandro.
"Wendy, Ten!" Lucas suddenly yelled our names from afar. He's with Dylan.
Nakahinga ako ng maluwag nung lumapit sila sa amin. "Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba ngayon ang dinner niyo ni Wendy?" Dylan looked at us, confused.
"Oo, hindi pa namin alam kung saan kami kakain. Kayo ba? Saan kayo pupunta?" Ten asked him.
"Sa mall, titingin kami ng costumes ni Lucas, wanna join us? We can all have dinner together after."
Ten stood up. "Sama kami ni Wendy!" Completely forgetting about his question.
BINABASA MO ANG
Let Me Chase You
Roman pour AdolescentsWendy Caprio, fiercely independent and sharp-witted, finds herself tangled with two star-crossed boys on a random Tuesday at school. There's Tyrone "Ten" Mercado, the notorious troublemaker with a hidden heart and mysterious past, and Alexandro "San...