Chapter Four

3.2K 85 4
                                    

Wendy's POV 

"Inatake nga lang ako ng LBM, promise!" Depensa ni Ten when I asked him why he acted strange in the clubroom yesterday. 


Binato ko ulit siya ng isang piraso ng popcorn. "I don't believe you." 


"Totoo nga kasi 'yung sinasabi ko, huhuhu." Kinuha niya 'yung pillow na pinakamalapit sa kanya at niyakap ito. 


"Nahihiya lang ako magsabi sa kanila na na-jejebs ako kaya nagdahilan na lang ako. Tulong, Lucas! Huhu, ayaw maniwala ni Wendy sa akin!" Ten pouted. Parang bata, tinatanong ko lang naman. 


Binaba ko 'yung lalagyan ng popcorn sa coffee table at sumandal sa sofa pero kinuha rin ni Lucas 'yung lalagyan ng popcorn at nilagay ito sa lap niya. Tss, akala ko ba ayaw niya ng popcorn. 


"Baka nga nag-LBM lang talaga siya. Katatapos lang din kasi namin mag-lunch nung hinila kami ni Genoa papunta sa clubroom." Paliwanag ni Lucas bago sumubo ng ilang piraso ng popcorn sa bibig niya. 


"Okay, nag-worry lang talaga ako." I looked away. 


Biglang ngumiti si Ten nang nakakaloko. "Yie! Concern siya sa akin!" 


Syempre, kaibigan kita. 


"Shut up, pati si Lucas nag-worry din, hindi lang ako." Ugh, wala na sa akin 'yung popcorn, hindi ko na mababato si Ten na parang tanga kung makapag takip ng unan sa mukha, daig pa niya ang babae kung kiligin. 


"Anyway, where's Tito Jerome? Bakit wala siya dito ngayon?" Nasa bahay kami ni Ten ngayon. We decided to watch some movies after a stressful week since sabado naman at walang pasok kinabukasan. Nasanay na rin si Lucas dito kahit tatlong beses pa lang talaga siya nakakapunta. 


"Nasa taas si daddy, baka nagbabasa ng mga libro kaya hindi bumababa." Oh no, ang ingay pa naman namin dito sa sala. 


"Tyrone? Have you seen my---nandito pala kayo, Wendy and Lucas." Si Tito Jerome! Naistorbo ba namin siya? 


Tumayo kami ni Lucas para batiin si Tito Jerome. "Good afternoon po, Tito!" Bati ni Lucas. Tito Jerome gave us a warm smile. 


"Daddy, naubos na pala namin 'yung chips mo diyan. Sorry." Dinamay pa kami ni Ten sa kalokohan niya! 


"Ikaw lang ang kumain ng chips dito, sinungaling ka!" Bulong ko kay Ten. "Hindi niya ako papagalitan kapag dinamay ko kayo." 


I scoffed. "I can't believe you." 


"It's okay, but eating too much junk food is not okay, lalo kana Tyrone. Laging mga balot ng junk food ang laman ng trash can sa kwarto mo." 


Ayan, nakalimutan yata ni Ten na his father is a doctor. 


"Okay, dad." 

Lucas and I chuckled. Nakakatawa kasi 'yung mukha ni Ten, mukhang inapi.


"I have to go to work now. Please behave." 


"Ingat po!" Sabay naming sinabi ni Lucas bago lumabas si Tito Jerome. 

Binato ko kay Ten 'yung unan na pinakamalapit sa akin. "You didn't even say goodbye to your dad." 


"Hehe, nakalimutan ko." Napahimas siya sa batok niya. 


*

"Wendy, may naghahanap sa 'yo sa labas." Napatigil ako sa pagbabasa nang lapitan ako ng classmate ko. 


Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon